Psalms
Chapter 23
Si Lord ang Shepherd Ko
1 Lord, ikaw ang shepherd ko,
lahat ng kailangan ko binibigay mo.
2 Pinagpapahinga mo ako sa magandang damuhan,
at nili-lead ako sa tahimik na batis.
3 Binibigyan mo ako ng bagong lakas.
Gina-guide mo ako sa safe at tamang landas,
dahil yun ang promise mo.
4 Kahit pa sobrang dilim ng dadaanan ko,
hindi ako matatakot, Lord,
kasi kasama kita.
Sa tungkod mo at pamalo alam kong safe ako.
5* Nagpe-prepare ka ng handaan para sa akin,
nakikita pa yun ng mga kaaway ko;
wine-welcome mo ako na parang special na bisita,
at pinupuno ang baso ko nang sobra-sobra.
6 Sure ako na lagi mo akong ibe-bless at mamahalin,
at ang bahay mo Lord, ang gagawin kong tahanan, habang ako'y nabubuhay.

Footnotes


23:5 + wine-welcome mo ako na parang special na bisita: Sa Hebrew, ina-anoint mo ng oil ang ulo ko.