Psalms
Intro
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
Lord, Wag Mo na Akong Parusahan
1 Sabi ko sa sarili ko, “Mag-iingat ako sa mga kilos ko,
at iiwasan kong magkasala sa mga sinasabi ko.
Di ako magsasalita,
habang nandyan ang masasama.”
2 Nanahimik nga ako, di ako nagsalita,
kahit mabuting bagay, wala akong sinabi!
Pero paghihirap ko, lalong lumala,
3 sobra akong nag-alala.
Sa kakaisip ko, lalo akong na-stress
hanggang sa sinabi ko,
4 “Lord, gaano katagal pa ang buhay ko?
Kelan ako mamamatay?
Sabihin mo, hanggang kelan na lang ako?”
5 Grabe, pinaiksi mo ang buhay ko,
para sayo, walang kwenta lang ito.
Ang buhay ng tao, parang hininga lang talaga,
6 parang anino lang, nawawala.
Walang sense ang mga paghihirap natin,
ipon tayo nang ipon, di naman alam sinong makikinabang.
7 So, Lord, ano na ang aasahan ko ngayon?
Sayo lang ako umaasa.
8 I-save mo ako sa lahat ng kasalanan ko,
wag kang pumayag na pagtripan ako ng mga siraulo.
9 Tatahimik ako, wala akong sasabihin,
kasi ikaw ang may gawa nito.
10 Wag mo na akong parusahan,
mamamatay na ako sa mga suntok mo.
11 Pinapagalitan mo at pinaparusahan ang taong nagkasala,
para kang insektong naninira, pinapatay mo ang mahalaga sa kanya.
Ang buhay ng tao, parang hininga lang talaga!
12 Pakinggan mo ang prayer ko, Lord,
pakinggan mo ang hinaing ko,
tingnan mo, umiiyak na ako!
Kagaya lang ako ng lahat ng ninuno ko,
parang bisita mo na dadaan lang saglit.
13 Wag ka nang magalit, para sumaya naman ako,
bago ako mamatay at mawala sa mundo.