Psalms
Chapter 141
Lord, I-protect Mo Ako
1 O Lord, sayo ako tumatawag, tulungan mo na ako!
Pakinggan mo ako pag nagpe-pray ako sayo.
2 Tanggapin mo ang prayer ko na parang mabangong insenso,
tinataas ko ang kamay ko bilang offering sa gabi.
3 Lord, kontrolin mo ang bibig ko,
bantayan mo ang mga sasabihin ko.
4 Wag mong hayaang gustuhin ko ang masama,
o ubusin ang oras ko sa mga maling gawa,
o ang maki-join sa mga gumagawa ng mali,
sa mga handaan nila, ayokong makisali.
5 Okay lang na parusahan ako ng mabuting tao,
at sawayin ako dahil concerned sya sa akin.
Pero di ako papayag na i-honor ako ng masasama,
kasi lagi akong nagpe-pray laban sa kasamaan nila.
6 Pag hinulog na ang mga leaders nila sa bangin na mabato,
mari-realize nila na totoo ang salita ni Lord.
7* Kung paanong nagkapira-piraso ang kahoy na sinibak,
ganun din ang buto nila, ikakalat malapit sa libingan.
8 Pero tiwala ako sayo, Lord God,
sayo ako humihingi ng protection,
wag mo akong pabayaang mamatay.
9 I-save mo ako sa mga trap na sinet nila para sa akin,
sa patibong na ginawa ng masasamang tao.
10 Mahulog sana ang masasama sa sarili nilang mga trap,
habang ako, ligtas na tumatakas.

Footnotes


141:7 + Sa Hebrew, di malinaw ang meaning ng verses 5-7.