Psalms
Chapter 73
Mabuti ang Diyos
1* Totoong mabuti ang Diyos sa Israel,
sa mga taong malinis ang puso.
2 Pero halos bumagsak na ako,
sa paghakbang ko muntik nang madulas,
3 kasi nainggit ako nung nakita ko ang mayayabang,
silang masasama pa ang yumayaman.
4 Hindi sila nagkakasakit,
malakas sila at healthy.
5 Di sila nahihirapan gaya ng ibang tao,
wala silang problema, di tulad ng iba.
6 Ginagawa nilang kwintas ang kayabangan,
pinagmamalaki nila na sila'y malupit at kayang manakit.
7 Mula sa puso nila umaapaw ang kasamaan,
basta kalokohan, ang dami nilang alam.
8 Nang-iinsulto sila, ang sama nilang magsalita,
ang yayabang nila, at ang lakas manakot.
9 Nilalait nila ang Diyos na nasa langit,
kung utusan nila ang mga tao, akala mo kung sino.
10 Kaya pati ang bayan ng Diyos bilib sa kanila,
nakikinig sa kahit anong sabihin nila.
11 Sabi pa nga, “Sya ang Pinakamataas na Diyos,
pero hindi nya naman alam lahat!”
12 Ganyan ang masasama,
ang sarap ng buhay, at ang pera nila mas nadadagdagan pa.
13 So, wala palang kwenta na malinis ang buhay ko?
Para saan pang hindi ako nagkasala?
14 O Diyos ko, buong maghapon pinapahirapan mo ako,
sa umaga pa lang, pinaparusahan mo na ako.
15 Kung ganyan ang sasabihin ko,
para na rin akong nagtraydor sa bayan ng Diyos.
16 Ilang beses ko nang pinag-isipan ito,
pero sobrang hirap intindihin.
17 Pero nung pumasok ako sa Temple mo,
dun ko na-realize kung ano ang katapusan ng mga masasama.
18 Siguradong dadalhin mo sila sa madulas na lugar,
dun sila babagsak at tuluyang mapapahamak!
19 Bigla na lang silang mawawasak.
Talagang nakakatakot, ganun sila matatapos!
20 Para silang panaginip, nawawala paggising,
nung bumangon ka, O Lord, sa isip sila'y limot na rin.
21 Nung naging bitter ako,
at nasaktan ang puso ko,
22 para akong tanga, walang alam,
parang hayop sa harap mo.
23 Pero never akong lumayo sayo,
at hawak mo ang kamay ko.
24 Mga advice mo ang aking guide,
tapos, iwe-welcome mo ako, bibigyang parangal.
25 Anong meron ako sa langit except sayo?
Dito sa lupa, wala na akong hahanapin pa kundi ikaw.
26 Ang katawan at isip ko, pwedeng manghina,
pero ang Diyos ang nagpapalakas sa akin,
sapat na sya para sa akin—forever.
27 Sure ako, mamamatay ang mga lumalayo sayo,
ang mga nagtataksil sayo, siguradong wawasakin mo.
28 Pero para sa akin, mabuti talaga pag malapit sa Diyos,
aasa ako sa pag-iingat mo, Lord God,
para ikwento ko sa mga tao lahat ng ginawa mo!

Footnotes


73:1 + Israel: o taong matuwid.