Psalms
Chapter 96
Si Lord ang Pinakamataas na Hari
(1 Chronicles 16:23-33)
1 Kumanta ng bagong awit kay Lord,
buong mundo, kumanta kay Lord!
2 Kantahan si Lord, purihin ang pangalan nya!
Araw-araw nating sabihin,
niligtas tayo ni Lord!
3 Ipagsabi sa mga bansa kung gaano sya kagaling.
Ipaalam sa lahat ng tao ang mga gawa nyang nakakabilib.
4 Magaling si Lord, dapat syang purihin nang todo,
sya ang dapat igalang sa lahat ng mga diyos.
5 Yung mga diyos ng ibang mga tao, ginawa lang nila yun,
pero si Lord, sya ang nag-create ng kalangitan.
6 Nasa kanya ang dangal ng pagiging hari,
nakikita sa Temple nya ang lakas at ganda nya.
7 Purihin si Lord, lahat ng tao sa mundo,
purihin sya, magaling sya at malakas!
8 Praise the Lord, dakila ang pangalan nya,
lumapit tayo sa Temple at magdala ng alay sa kanya!
9 Mag-worship kay Lord sa ganda ng kabanalan nya,
buong mundo, humarap nang may takot at paggalang sa kanya!
10 Ipagsabi sa mga bansa, “Si Lord ay hari!
Matibay nyang tinatag ang mundo, never itong mauuga,
ija-judge nya nang patas ang mga tao.”
11 Magsaya ang langit, mag-celebrate ang lupa!
Mag-ingay ang dagat at lahat ng nandun,
12 magsaya ang bukid at lahat ng nandito!
Ang lahat ng puno sa gubat, kakanta sa saya,
13 haharap sila kay Lord pagdating nya,
dadating sya para maghari sa mundo.
Magja-judge sya sa mga tao
nang patas at may katarungan.