Psalms
Chapter 41
Prayer ng may Sakit
1 Bine-bless ang taong concerned sa mahihirap,
tinutulungan ni Lord pag meron syang problema.
2 Pino-protect sya ni Lord at iniingatan ang buhay,
kilala syang pinagpala sa bayan nya,
at sa mga kaaway nya, hindi sya pababayaan.
3 Inaalagaan sya ni Lord pag meron syang sakit,
pinapagaling sya, lakas ay binabalik.
4 Nag-pray ako, “O Lord, nagkasala ako sayo.
Maawa ka sa akin, pagalingin mo ako.”
5 Mga kaaway ko, grabe ang sinasabi tungkol sa akin, sabi nila,
“Kelan ba yan mamamatay, bakit nandyan pa yan?”
6 Mga dumadalaw sa akin, ang paplastik,
gusto lang makasagap ng masamang balita,
pag alis, itsi-tsismis nila yun sa lahat.
7 Yung mga galit sa akin, nagbubulungan, ako ang pinag-uusapan,
ini-imagine nila yung pinakagrabeng mangyayari sa akin.
8 Sabi nila, “Malala na sakit nya!
Di na sya gagaling, mamamatay na yan.”
9 Yung bestfriend ko na pinagkatiwalaan ko,
ka-share ko sa pagkain, pero tinraydor ako.
10 Maawa ka sa akin, Lord, pagalingin mo ako,
para magantihan ko sila!
11 Malalaman kong natutuwa ka sa akin,
kasi di umubra sa akin ang mga kaaway ko.
12 Tinulungan mo ako kasi ginagawa ko ang tama,
nilagay mo ako sa tabi mo, forever.
13 Praise the Lord, ang Diyos ng Israel!
Purihin sya forever and ever!
Amen! Amen!