Psalms
Chapter 8
Ang Dakilang Diyos at ang Tao
1 O Lord, Panginoon namin,
sobrang great mo talaga,
sa buong mundo, kitang-kita ng lahat!
Abot sa langit ang papuri sayo,
2 kinakanta yun ng mga bata kasama ng mga baby.
Nagtayo ka ng depensang matibay laban sa iyong mga kaaway,
para mapatigil ang kalaban at mga gustong gumanti.
3 Pag tumitingin ako sa langit na ginawa mo,
sa moon at mga stars na nilagay mo dun, napapatanong ako,
4 ano ba ang mga tao at iniisip mo sila?
Mga tao lang naman, bakit concerned ka sa kanila?
5* O Diyos, ginawa mo silang sayo lang mas mababa,
itinaas mo sila, ginawang mahalaga at binigyan ng honor.
6 In-appoint mo silang in-charge sa lahat ng crineate mo,
nilagay mong under sa kanila ang buong creation:
7 lahat ng mga tupa at mga baka, pati mga wild animals,
8 mga ibon, mga isda, at lahat ng nasa dagat.
9 O Lord, Panginoon namin,
sobrang great mo talaga,
sa buong mundo, kitang-kita ng lahat!

Footnotes


8:5 + sayo lang mas mababa: o mas mababa sa mga angels.