Psalms
Chapter 12
Prayer sa Paghingi ng Tulong
1 Tulungan mo kami, Lord!
Wala nang mabuting taong natira,
mga taong tapat, wala na talaga.
2 Puro sila sinungaling, sila-sila naglolokohan,
ang gaganda ng sinasabi, kaplastikan lang pala.
3 O Lord, putulin mo ang dila nila na malakas mambola!
Isara mo ang bibig nila, ang yayabang!
4 Sabi nila, “Basta sinabi namin, yun ang mangyayari!
Kami ang masusunod!
Wala kayong paki sa gusto naming sabihin.”
5 Pero sabi ni Lord, “Nakita kong inaapi ang mahihirap,
at dumadaing ang mga kawawa.
Kaya eto na, dadating na ako,
ibibigay ko yung pag-iingat na hinahanap-hanap nila.”
6 Pag si Lord ang nangako, totoo yun at maaasahan,
gaya ng silver na pitong beses pinadaan sa apoy para maging pure.
7 O Lord, lagi mo kaming ingatan,
sa generation na ito, wag mo kaming pabayaan,
8 kasi nagkalat ang masasama,
at kung ano ang hindi tama, yun pa ang kinatutuwa.