Psalms
Chapter 122
Prayer para sa Jerusalem
1 Tuwang-tuwa ako nung sinabi nila sa akin,
“Tara, pumunta tayo sa bahay ni Lord!”
2 At ngayon nakatayo na kami dito,
sa loob ng mga gate mo, O Jerusalem!
3 Tinayo na ang city ng Jerusalem,
matibay at buong-buo ang pagkakatayo nito.
4 Dito pupunta ang mga angkan,
yung mga angkan na nagwo-worship kay Lord,
magte-thank you sila sa kanya
ayon sa inutos nya sa Israel.
5 Nandun ang mga trono ng mga hari sa angkan ni David,
uupo sila dun para i-judge ang mga tao.
6 Ipag-pray nyo na magkaroon ng peace sa Jerusalem.
“O Jerusalem, maging maayos sana ang buhay ng mga nagmamahal sayo.
7 Maging tahimik sana sa loob ng teritoryo mo,
maging safe sana sa mga palasyo mo.”
8 Para sa mga kamag-anak at kaibigan ko,
sasabihin ko, “Peace be with you, Jerusalem!”
9 Alang-alang sa bahay ni LORD na ating Diyos,
pinagpe-pray kong puro maganda ang mangyari sa Jerusalem.