Psalms
Chapter 83
Prayer para Matalo ang mga Kalaban
1 O Diyos, wag kang manahimik,
kumilos ka na, makialam ka naman!
2 Tingnan mo, nagwawala ang mga kaaway mo!
Nagrerebelde ang mga galit sayo.
3 Nagpaplano sila ng masama sa mga pinili mo,
nagkakampihan laban sa mga iniingatan mo.
4 Sabi nila, “Tara, burahin natin ang bayan na yan,
para malimutan na talaga ang Israel!”
5 Oo, nag-agree sila sa isang plano,
nagkaisa sila laban sayo—
6 ang bayan ng Edom at mga Ishmaelites,
bayan ng Moab at mga Hagrites,
7 mga taga-Gebal, Ammon, at Amalek,
mga taga-Philistia at Tyre.
8 Naki-join din ang bayan ng Assyria,
sila yung malakas na kakampi ng lahi ni Lot.
9 Iparanas mo sa kanila ang ginawa mo sa mga Midianites,
at yung ginawa mo kina Sisera at Jabin sa ilog ng Kishon.
10 Tinapos mo sila sa Endor,
mga bangkay nila, nabulok na lang sa lupa.
11 Gawin mo sa mga leaders nila yung ginawa mo kina Oreb at Zeeb,
talunin mo lahat ng hari nila, gaya ng ginawa mo kina Zebah at Zalmunna,
12 sila yung nagsabing,
“Tara! Agawin natin ang lupain ng Diyos!”
13 O Diyos, ikalat mo sila, parang alikabok,
parang ipang tinatangay ng hangin.
14 Kung paano nilalamon ng apoy ang gubat,
at paano nasusunog ang mga bundok,
15 ganun mo sila habulin ng malakas mong bagyo
at takutin mo ng iyong ipu-ipo.
16 Ipahiya mo ang mga taong yun,
para kilalanin nila ang kapangyarihan mo, O Lord.
17 Forever sana silang mapahiya at ma-discourage,
ikamatay sana nila ang sobrang kahihiyan,
18 para malaman nila na ikaw ang nag-iisang Lord,
ang Pinakamataas, naghahari sa buong mundo!