Prayer pag Magulo ang Bansa
1 O Lord, forever kong kakantahin
ang tungkol sa wagas na pag-ibig mo,
ipagsasabi ko sa lahat ng generation
ang pagiging faithful mo.
2 Ang pagmamahal mo, walang katapusan,
kasingtibay ng langit ang iyong katapatan.
3 Sabi mo, “Gumawa ako ng kasunduan sa taong pinili ko,
nag-promise ako sa servant kong si David:
4 ‘Laging sa lahi mo manggagaling ang hari,
at di matatapos ang paghahari mo.’”
5 Purihin ka ng langit sa mga amazing na ginawa mo, Lord,
kantahin ng mga banal ang pagiging tapat mo!
6 Lord, sino sa langit ang mako-compare sayo?
Sino sa langit ang kagaya mo, Lord?
7 Takot sayo ang mga banal, O Diyos,
namamangha ang lahat ng nakapaligid sayo.
8 O Lord, Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
may mas lalakas pa ba sayo?
Lord, tapat ka sa lahat ng bagay.
9 Sumusunod sayo ang nagagalit na dagat,
pag nagwawala ang alon, napapakalma mo.
10* Ang halimaw na si Rahab, dinurog mo at pinatay,
sa lakas ng iyong kamay, tinalo mo ang iyong mga kaaway.
11 Sayo ang langit, sayo din ang lupa,
ang mundo at lahat ng nandito, ikaw ang gumawa.
12 Crineate mo ang lahat ng nasa north at nasa south,
masaya kang pinupuri ng Mt. Tabor at Mt. Hermon.
13 Powerful ka, grabe ang lakas mo!
Ang lakas mo talaga!
14 Nakatayo ang kaharian mo sa paggawa ng tama at pagiging patas,
sa lahat ng ginagawa mo, makikita ang wagas na pagmamahal at katapatan mo.
15 Masaya ang mga taong nagse-celebrate at nagpupuri sayo, Lord,
mga taong nabubuhay na kasama ka.
16 Dahil sayo, buong araw silang nagsasaya,
dahil mabuti ka, pinupuri ka nila.
17 Ikaw ang nagpapanalo sa amin,
mabait ka sa amin, kaya kami nagtatagumpay.
18 Lord, ikaw ang pumili ng magpo-protect sa amin,
ikaw ang Banal na Diyos ng Israel, ang nagbigay ng hari namin.
Ang Promise ng Diyos kay David
19 Dati, nagpakita ka ng vision
sa tapat mong servant, sinabi mo,
“Tinulungan ko ang isang malakas na sundalo,
mula sa mga tao, pumili ako ng itinaas ko.
20 Si David na servant ko ang pinili kong hari,
inanoint ko sya ng banal kong oil.
21 Lagi ko syang sasamahan,
kapangyarihan ko ang magpapalakas sa kanya.
22 Hindi sya maiisahan ng kaaway,
hindi sya matatalo ng masama.
23 Dudurugin ko ang kanyang mga kaaway sa harapan nya,
at pababagsakin ko ang mga galit sa kanya.
24 Mamahalin ko sya at magiging loyal ako sa kanya,
at dahil sa akin lagi syang magtatagumpay.
25 Palalawakin ko ang kaharian nya,
mula sa dagat na malawak hanggang sa malalaking ilog.
26 Sasabihin nya sa akin,
‘Ikaw ang tatay ko at aking Diyos,
ang nagdi-defend at nagliligtas sa akin.’
27 Gagawin ko syang panganay,
pinakamataas sa lahat ng hari sa mundo.
28 Mamahalin ko sya forever,
matibay ang kasunduan ko sa kanya, hindi yun masisira.
29 Laging sa lahi nya manggagaling ang magiging hari,
at ang kaharian nya, magtatagal hanggang may langit.
30 “Pero pag hindi sumunod ang mga anak nya sa batas ko,
at hindi sila namuhay ayon sa aking mga kautusan,
31 pag di nila pinakinggan ang mga tinuro ko
at di ginawa ang aking mga utos,
32 paparusahan ko sila sa mga kasalanan nila,
papahirapan ko sila sa mga mali nila.
33 Pero mamahalin ko pa rin si David,
at magiging tapat pa rin ako.
34 Hindi ko babaliin ang kasunduang ginawa ko,
wala akong babaguhin sa mga sinabi ko.
35 “Isang beses lang akong nag-promise at yun na yun,
tinaya ko ang banal kong pangalan—
hindi ako magsisinungaling kay David.
36 Forever magtatagal ang lahi nya,
ang kaharian nya, hindi matatapos hanggat sumisikat ang araw.
37 Hindi yun mawawala kagaya ng buwan,
ang tapat na witness na nasa langit.”
Lungkot sa Pagkatalo ng Hari
38 Pero ngayon tinakwil mo at ni-reject ang iyong piniling hari,
napuno ka ng galit sa kanya.
39 Binawi mo ang kasunduan sa iyong servant,
tinapon mo ang korona nya sa putikan.
40 Giniba mo ang mga pader ng city nya,
winasak mo ang matitibay nyang depensa.
41 Lahat ng dumadaan, basta na lang syang ninanakawan,
pinagtatawanan sya ng mga bansa sa paligid nya.
42 Ginawa mong powerful ang mga kalaban nya,
pinasaya mo silang lahat.
43 Oo, ginawa mong useless ang espada nya,
at pinabayaan mo sya sa laban.
44 Inalis mo ang kapangyarihan sa kamay nya,
at ang trono nya, binagsak mo sa lupa.
45 Pinaiksi mo ang buhay nya,
pinahiya mo sya nang sobra.
Prayer para Iligtas ni Lord
46 Lord, hanggang kelan ganito? Forever ka na bang magtatago?
Hanggang kelan mag-aapoy ang galit mo?
47 Alam mong maiksi lang ang buhay,
para saan pa at crineate mo ang lahat ng tao?
48 Sino bang hindi mamamatay?
Sinong may kayang iligtas ang sarili sa mundo ng mga patay?
49 Lord, nasaan na ang pagmamahal na pinaramdam mo noon,
na tapat mong pinangako kay David?
50 Wag mong kalimutan, Lord, kung paano iniinsulto ang servant mo,
tinitiis ko ang masasakit na salita sa akin ng mga tao.
51 Iniinsulto ng mga kaaway mo ang haring pinili mo, O LORD,
nilalait sya kahit saan sya pumunta.
52 Purihin si Lord forever!
Amen! Amen!
Footnotes
89:10
+ RAHAB: Pinaniniwalaan ng mga tao na isa itong monster sa dagat na symbol ng gulo at kasamaan.