Psalms
Chapter 97
Si Lord ang Naghahari
1 Si Lord ang naghahari, magsaya ang mundo!
Mga islands, mag-celebrate kayo!
2 Nakapaligid sa kanya ang makapal at madilim na ulap,
naghahari sya nang matuwid at makatarungan.
3 May apoy na nagliliyab sa harap nya,
sinusunog nito ang mga kalabang nakapaligid sa kanya.
4 Nagliliwanag ang mundo sa kidlat na galing sa kanya,
nakikita yun ng mundo at nanginginig ito.
5 Sa harap ni LORD, parang kandilang natutunaw ang mga bundok,
sa harap ng Panginoon ng buong mundo.
6 Pinapakita ng langit ang kabutihan nya,
at lahat ng mga bansa nakikita na dakila sya.
7 Napapahiya lahat ng sumasamba sa mga diyos na ginawa lang ng tao,
pinagyayabang nila ang mga walang kwentang diyus-diyosan.
Yumuyuko kay Lord lahat ng mga diyos.
8 Naririnig ng Zion, nagse-celebrate sila,
nagsasaya ang mga city ng Judah,
kasi matuwid kang mag-judge, O Lord.
9 Ikaw, Lord, ang Pinakamataas sa buong mundo,
talagang mas mataas sa lahat ng mga diyos.
10 Mahal ni Lord ang mga galit sa masama,
iniingatan nya ang buhay ng mga tapat sa kanya,
nililigtas sila sa kamay ng masasama.
11 Sumisikat ang liwanag sa mga matuwid,
at nagiging masaya ang mga may mabuting puso.
12 Mag-celebrate kayong mga matuwid,
dahil sa ginawa ni LORD.
Magpasalamat sa banal na pangalan nya!