Psalms
Chapter 42
Prayer ng Taong Pinatapon sa Ibang Bayan
1 Kung gaano kagusto ng isang deer na uminom sa batis,
ganun din ako, O Diyos, uhaw na uhaw sayo.
2 O Diyos na buháy, nami-miss kita.
Kelan kaya kita makakasama para mag-worship sayo?
3 Araw-gabi, iyak ako nang iyak,
halos luha na ang kinakain ko,
paulit-ulit sinasabi ng mga kaaway ko,
“Nasaan na ang Diyos mo?”
4 Nadudurog ang puso ko, pag naalala ko yung dati,
ang dami naming naglalakad nun,
nili-lead ko sila papunta sa bahay ng Diyos,
masaya kaming kumakanta, nagpapasalamat,
lahat kami nagpupuri sa Diyos!
5 Bakit ba ako nada-down?
Bakit di ako mapalagay?
Sa Diyos ako aasa!
Pupurihin ko sya ulit,
ang Diyos at savior ko.
6 Nadi-discourage ako,
kaya iniisip kita,
mula dito sa lupain ng Jordan at Hermon,
mula sa Mt. Mizar.
7 Naririnig ko ang galit na dagat,
at dumadagundong na waterfalls,
nilalamon ako ng malalaki mong alon.
8 Sa umaga, Lord,
pinaparamdam mo ang wagas mong pagmamahal,
kaya sa gabi, may kanta ako,
prayer ko yun sa Diyos ng buhay ko.
9 Sabi ko sa Diyos na nagtatanggol sa akin,
“Bakit mo ako kinalimutan?
Bakit kailangan kong magdusa
sa pang-aapi ng kaaway?”
10 Mga insulto nila tagos sa buto ko,
tanong sila nang tanong,
“O, nasaan na ang Diyos mo?”
11 Bakit ba ako nada-down?
Bakit di ako mapalagay?
Sa Diyos ako aasa!
Pupurihin ko sya ulit,
ang Diyos at savior ko.