Psalms
Chapter 126
I-bless Mo Ulit Kami
1 Nung binalik tayo ni Lord sa Zion,
parang panaginip lang yun.
2 Tuwang-tuwa tayo,
nagkantahan sa sobrang saya,
tapos sabi ng ibang mga bansa,
“Ang galing ng mga ginawa ni Lord para sa kanila.”
3 Ang galing talaga ng mga ginawa ni Lord para sa atin,
sobrang saya natin!
4 Lord, i-bless mo ulit kami,
kung paano mo pinuno ng tubig ang tuyong disyerto.
5 Yung mga umiiyak habang nagtatanim,
mag-celebrate sana habang nag-aani!
6 Yung mga umalis na umiiyak dala ang binhing itatanim,
uuwi silang masaya, dala-dala ang inani.