Ang Diyos ang Nagpanalo sa Bansa
1 Kumilos ka, O Diyos, guluhin mo ang mga kaaway para sila ay magsilayas.
Yung mga galit sayo, wala nang magagawa kundi tumakas.
2 Kung paano tinatangay ng hangin ang usok, ganun mo sila itaboy.
Kung paano tinutunaw ng apoy ang kandila,
ganun din ang masama, sa harap ng Diyos sila sana'y mawala!
3 Pero ang mga matuwid, hayaan mong mag-celebrate,
sa harap ng Diyos, hayaan mo silang magsaya—
sobrang saya talaga!
4 Purihin ang pangalan ng Diyos, kantahan natin sya,
dadating syang nakasakay sa mga ulap, ihanda ang dadaanan nya.
Sya si Lord, purihin sya nang buong saya!
5 O Diyos, ikaw na nasa banal mong tirahan,
mga byuda ay iyong pinaglalaban,
at sa mga ulila ikaw ang naging magulang.
6 Nagbibigay ka ng tahanan para sa mga nalulungkot,
pinapalaya mo ang mga bilanggo, magandang future ang binibigay mo.
Pero ang mga ayaw sumunod sayo, ang bagsak, sa disyerto.
7 O Diyos, nung ni-lead mo ang iyong bayan,
nung lumakad ka sa gitna ng disyerto,
8 nayanig ang lupa, bumuhos ang ulan,
nung dumating ang Diyos ng Sinai,
nung dumating ang Diyos ng Israel.
9 O Diyos, sayo nanggaling ang saganang ulan,
na bumuhay sa lupang nauuhaw,
10 dun mo pinatira ang iyong bayan,
at nag-provide ka sa mga nangangailangan—
O Diyos, ang bait mo talaga!
11 Nag-uutos ang Panginoon,
maraming babae ang nagbalita nun:
12 “Tumatakas sila! Tumatakas ang mga hari at kanilang mga army!”
Lahat ng naiwang yaman, mga babaeng nasa bahay ang naghati-hati.
13 Kahit yung mga nag-stay lang sa kulungan ng mga tupa,
nakakuha ng kalapating gawa sa silver,
ang pakpak ay gold na makinang.
14 Nung kinalat ng Makapangyarihang Diyos
ang mga hari sa bundok ng Zalmon,
para silang snow na nagkalat sa lugar na yun.
15 Ang ganda ng bundok ng Bashan! Grabe, ang taas!
Maraming tuktok ang bundok na ito.
16 Pero bakit sa laki ng bundok na ito, naiinggit pa rin sya,
dun sa bundok na pinili ng Diyos para maging tirahan nya?
Yun nga ang magiging tahanan ni Lord forever!
17 Dumating ang Panginoon galing sa Sinai papunta dun sa holy place,
kasama ang maraming malalakas na chariots, ang dami talaga.
18 Umakyat sya sa bundok kasunod ang mga bihag,
tinatanggap nya ang mga regalo
kahit galing sa mga nagrebeldeng tao.
Sa lugar na yun titira si Lord na ating Diyos.
19 Praise the Lord!
Araw-araw nyang binubuhat ang mabibigat nating pasanin,
sya ang Diyos na nagliligtas sa atin.
20 Ang Diyos natin ay Diyos na nagliligtas,
sya si Lord, ang ating Panginoon,
nire-rescue nya tayo para di tayo mamatay.
21 Siguradong babasagin ng Diyos ang ulo ng kanyang mga kaaway,
dudurugin nya ang bungo ng mga ayaw tumigil sa paggawa ng masama.
22 Sinabi ng Panginoon, “Ibabalik ko ang mga kaaway mo mula sa Bashan,
ibabalik ko sila mula sa ilalim ng dagat,
23 para ilusong mo sa dugo nila ang iyong mga paa,
at kainin ng mga aso ang bangkay nila.”
24 O Diyos, nakikita ng lahat ang parada ng iyong tagumpay,
ang pagpasok ng Diyos na aking hari sa holy place.
25 Nasa unahan ang mga singers, sa likod naman ang mga musicians,
nasa gitna nila ang mga babaeng nagta-tambourine.
26 “Purihin nyo ang Diyos, lahat ng sama-samang nagwo-worship!
Buong lahi ni Jacob sumigaw ng, Praise the LORD!”
27 Mauuna si Benjamin, ang pinakamaliit sa mga tribo,
kasunod ang mga leader ng Judah at kanilang grupo,
mga leaders ng Zebulun at ng Naphtali ang sunod dito.
28 O Diyos, ipakita mo sa amin na powerful ka,
ipakita mo ang iyong lakas, gaya nung kami ay iyong niligtas.
29 Dahil sa temple mo sa Jerusalem,
mag-ooffer sayo ng mga regalo ang mga hari.
30 Sawayin mo yang Egypt, yung mabangis na hayop na nasa damuhan,
ganun din ang mga bansa, silang mga toro kasama ang mga anak nila,
hanggang mapasuko mo sila at mag-offer ng silver sayo.
Itapon mo sa ibat-ibang lugar ang mga taong mahilig sa gera.
31* Dadating ang mga taga-Egypt na may dalang bronze,
yung mga taga-Ethiopia, magtataas ng kamay para mag-pray sa Diyos.
32 Kantahan nyo ang Diyos, mga kaharian sa mundo!
Kantahan nyo ng mga papuri ang Panginoon!
33 Purihin ang Diyos na naglalakbay sa langit,
yung langit na nilikha nya.
Pakinggan nyo ang kanyang boses,
ang dagundong ng sigaw nya!
34 I-declare nyo sa lahat na powerful ang Diyos,
sa buong Israel naghahari sya,
pambihirang lakas nya sa langit ay kitang-kita.
35 Grabe! Nakakahanga talaga ang Diyos na nasa kanyang temple!
Sya ang Diyos ng Israel!
Sa kanya galing ang lakas at kapangyarihan ng bayan nya.
O Diyos, purihin ka!
Footnotes
68:31
+ ETHIOPIA: Sa Hebrew, “Cush.” Sa ngayon, ito ang mga lugar na sakop ng Ethiopia at Sudan.