Psalms
Chapter 87
Jerusalem, Tahanan ng Lahat
1 Tinayo ni Lord ang city nya sa banal na bundok.
2 Compared sa lahat ng lugar sa Israel,
pinakamahal nya ang city ng Jerusalem.
3 O city ng Diyos,
magagandang bagay ang sinasabi tungkol sayo.
4* “Isasama ko ang Egypt at Babylonia
sa listahan ng mga bansang sumusunod sa akin,
ang mga taga-Philistia, Tyre, at Ethiopia,
ibibilang ko din sa mga nakatira sa Jerusalem.”
5 At tungkol sa Zion,
lahat ng mga tao ay ituturing na citizen nito,
at itatatag ito ng mismong Pinakamataas sa lahat.
6 Gagawa si Lord ng listahan ng mga tao,
lahat sila ililista bilang citizen ng Jerusalem.
7 Kakanta sila at sasayaw, sasabihin nila,
“Sa Zion nanggagaling lahat ng mga blessings natin.”

Footnotes


87:4 + ETHIOPIA: Tingnan sa Psalm 68:31.