Psalms
Intro
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
Great si Lord
1 Praise the Lord!
Purihin ang pangalan ni Lord,
magpuri kayo, mga servants ni Lord,
2 kayo na nagse-serve sa bahay ni Lord,
sa Temple ng Diyos natin.
3 Purihin si Lord, kasi si Lord ay mabuti,
kantahan ang pangalan nya, sobrang bait nya kasi.
4 Pinili nya ang angkan ni Jacob para maging kanya,
kinupkop nya ang Israel bilang sarili nyang bayan.
5 Sure ako na great si Lord,
mas mataas ang Panginoon natin kesa sa lahat ng mga diyos.
6 Ginagawa ni Lord kung anong gusto nya,
sa langit at sa lupa,
sa dagat at hanggang sa pinakailalim nito.
7 Sya ang nagdadala ng mga ulap mula sa dulo ng mundo,
sya ang gumagawa ng kidlat sa gitna ng bagyo,
sa kanya galing ang umiihip na hangin.
8 Sya ang pumatay sa mga panganay ng Egypt,
lahat ng panganay, tao man o hayop.
9 Dun sa Egypt, gumawa sya ng mga himala at nakakabilib na mga bagay,
laban sa hari at sa lahat ng servants nya.
10 Pinabagsak nya ang maraming bansa,
at pinatay ang malalakas na hari—
11 si Sihon, hari ng mga Amorites,
at si Og, hari ng Bashan,
at lahat ng mga hari sa Canaan.
12 Ang lupa nila, binigay nya sa kanyang bayan,
binigay nya sa Israel bilang mana.
13 Ang pangalan mo, Lord, forever magtatagal,
makikilala ka, Lord, sa lahat ng generation.
14 Bibigyan ni Lord ng hustisya ang bayan nya,
maaawa sya sa mga nagse-serve sa kanya.
15 Ang mga diyos ng ibang bansa, gawa sa silver at gold,
gawa lang sila ng kamay ng tao.
16 May bibig nga sila, di naman makapagsalita,
may mata, pero di makakita.
17 May tenga sila, pero di makarinig,
ni hindi rin sila humihinga.
18 Yung mga gumawa sa mga diyos na yun, magiging ganun din,
pati yung lahat ng nagtitiwala sa kanila!
19 Purihin si Lord, O bayan ng Israel!
Purihin si Lord, mga priest ng Diyos!
20 Purihin si Lord, kayong mga Levites!
Purihin si Lord, lahat ng nagwo-worship sa kanya!
21 Purihin si Lord sa Zion,
sa Jerusalem na tahanan nya.
Praise the Lord!