Psalms
Chapter 143
Sagutin Mo Ako, Lord, Bilisan Mo
1 O Lord, makinig ka sa prayer ko,
tapat ka at laging tama ang ginagawa mo,
pakinggan mo ang request ko, sagutin mo sana ako.
2 Wag mo nang litisin ang iyong servant,
kasi walang kahit sinong matuwid sa paningin mo.
3 Hinabol ako ng kaaway,
tinalo ako at dinurog,
Kinulong ako sa madilim na lugar,
kagaya ng mga matagal nang patay.
4 Kaya halos sumuko na ako,
nawalan na ako ng pag-asa.
5 Naaalala ko yung dati,
iniisip ko lahat ng ginawa mo,
binabalikan ko lahat ng mga yun.
6 Nakataas ang kamay ko sayo, nagpe-pray ako,
para akong tuyong lupang nauuhaw sayo.
7 Sagutin mo ako, Lord, bilisan mo!
Ayoko na, suko na ako!
Wag mo akong pagtaguan,
baka gaya ng mga patay, mapunta na rin ako sa hukay.
8 Tuwing umaga, ipaalala mo sa akin ang pag-ibig mong wagas,
kasi sayo ako nagtitiwala.
Ituro mo sa akin ang dapat kong gawin,
sayo ko pinagkakatiwala ang buhay ko.
9 Iligtas mo ako, Lord, sa mga kaaway ko,
sayo ako pumupunta para maging safe ako.
10 Turuan mo akong gawin ang gusto mo,
kasi ikaw ang Diyos ko.
Kabutihan mo sana ang mag-lead sa akin,
sa maayos na daan, dun mo ako dalhin.
11 O Lord, iligtas mo ang buhay ko, kasi yun ang promise mo,
alisin mo ako sa mga problema kasi mabuti ka!
12 Wagas kang magmahal,
tapusin mo na ang lahat ng kaaway ko,
wasakin mo lahat ng umaapi sa akin,
kasi nagse-serve ako sayo.