Psalms
Chapter 77
Iisipin Ko ang mga Ginawa Mo, Lord
1 Dumaing ako nang malakas sa Diyos,
malakas talaga, para marinig nya ako.
2 Pag may problema ako, Lord, ikaw ang nilalapitan ko,
magdamag akong nagpe-pray sayo, nakataas ang kamay, di ako napapagod,
pero mabigat pa rin ang loob ko.
3 Pag naiisip ko ang Diyos, “Haay, ang hirap naman,”
pag nag-iisip ako nang malalim, lalo akong nanghihina.
4 Hindi ako makatulog dahil sayo,
wala akong masabi, sobrang gulo ng isip ko.
5 Iniisip ko ang nakaraan,
binabalikan ko, mga taon na nagdaan.
6 Gabi-gabi, nag-iisip ako nang malalim,
nagme-meditate, tinatanong ang sarili,
7 “Lord, di mo na ba ako papansinin?
Never ka na bang matutuwa sa akin?
8 Hindi mo na ba ako mahal?
Mga promise mo ba, balewala na?
9 Diyos ko, di ka na ba marunong maawa?
Dahil ba sa galit mo kaya di ka na naaawa?”
10 At sinabi ko, “Ito ang masakit sa lahat—
Wala na, di na ako tutulungan ng Makapangyarihang Diyos.”
11 Iisipin ko yung mga ginawa mo, Lord,
yung mga amazing na ginawa mo, iisipin ko ulit.
12 Babalikan ko lahat ng iyong himala,
iisip-isipin ko mga nakakabilib mong gawa.
13 Banal ang lahat ng ginagawa mo, O Diyos,
may ibang diyos ba na kasingdakila mo?
14 Mga miracles, O Diyos, ikaw ang gumagawa,
pinakita mo ang lakas mo sa lahat ng mga bansa.
15 Gamit ang lakas mo, niligtas mo ang iyong bayan,
mga angkan ni Jacob at ni Joseph.
16 O Diyos, nung makita ka ng mga tubig sa dagat,
nakita ka pa lang, natakot na sila,
nanginig hanggang sa kalaliman.
17 Mula sa mga ulap, bumuhos ang ulan,
narinig ang dagundong ng kulog sa langit,
gumuhit ang kidlat sa lahat ng lugar.
18 Dumagundong ang kulog sabay sa ipu-ipo,
dahil sa mga kidlat, nagliwanag ang mundo,
buong lupain nanginig at natakot.
19 Naglakad ka sa malawak na dagat,
at tumawid sa malalim na laot,
pero walang nakakita sa bakas ng paa mo.
20 Ni-lead mo ang iyong bayan na parang shepherd sa kanyang mga tupa,
pinili mo sina Moses at Aaron para maging leader nila.