Victory Song ni David
1 I love you, Lord,
ikaw ang lakas ko!
2 Pinagtatanggol ako ni Lord,
sya ang matibay kong depensa at tagapagligtas.
Sya ang aking Diyos,
tagapagtanggol ko at takbuhan.
Sya ang aking shield, ang nagliligtas sa akin,
talagang safe ako sa kanya.
3 Nagpe-pray ako kay Lord,
at nililigtas nya ako sa mga kaaway ko.
Praise the Lord!
4 Ginapos ako ng lubid ng kamatayan,
nilamon ako ng mga alon ng kapahamakan.
5 Nakapulupot sa akin ang tali ng libingan,
nakaabang na sa akin ang trap ng kamatayan.
6 Nung nahirapan ako, tumawag ako kay Lord,
humingi ako ng tulong sa aking Diyos.
Mula sa temple nya, narinig nya ang boses ko,
pinakinggan nya ang iyak ko.
7 At sa galit ng Diyos, nagka-earthquake, lumindol,
nanginig at gumalaw ang pundasyon ng mga bundok.
8 Lumabas ang usok sa kanyang ilong,
mula sa bibig nya, mga baga at apoy.
9 Pinunit nya ang langit, at sya ay bumaba,
nakatuntong sya sa maitim na ulap.
10* Lumipad syang sakay ng isang cherubim,
mabilis ang lipad nya, sabay sa ihip ng hangin.
11 Pinang-cover nya sa sarili ang dilim,
nasa ilalim sya ng mga ulap na makapal at puno ng tubig.
12 Gumuhit ang kidlat sa harap nya,
at lumabas sa mga ulap ang mga yelo at nag-aapoy na baga.
13 Nagsalita si Lord, parang kulog sa langit,
narinig ang boses ng Pinakamataas sa lahat,
kasabay ng pag-ulan ng yelo at apoy.
14 Tinira nya ang mga pana nya, at nagkagulo ang mga kaaway,
nagpaulan sya ng mga kidlat para lituhin sila.
15 Nung nagalit ka, LORD,
nung umusok ka sa galit,
na-expose yung ilalim ng dagat,
kitang-kita pati yung pinakailalim ng mundo.
16 Mula sa langit, inabot nya ako at kinuha,
inahon nya ako sa malalim na tubig.
17 Niligtas nya ako sa mga powerful kong kalaban
at sa mga matindi ang galit sa akin,
sobrang lakas nila, di ko sila kaya.
18 Nung nahihirapan ako, saka sila sumugod,
pero si Lord ang umalalay sa akin.
19 Dinala nya ako sa safe na lugar,
niligtas nya ako, kasi natutuwa sya sa akin.
20 Nirerewardan ako ni Lord kasi matuwid ang ginagawa ko,
malinis ang buhay ko, kaya bine-bless nya ako.
21 Sinunod ko ang mga gusto ni Lord,
hindi ako naging masama, di ko tinalikuran ang aking Diyos.
22 Lahat ng utos nya, lahat yun sinunod ko,
hindi ko binalewala ang kanyang mga turo.
23 Alam nyang wala akong ginawang mali,
ginawa ko lahat para hindi magkasala.
24 Kaya nga bine-bless ako ni Lord, kasi tama ang ginagawa ko,
nakikita nyang malinis ang buhay ko.
25 O Diyos, tapat ka sa mga tapat sayo,
sobrang buti mo sa mabubuting tao.
26 Mabait ka sa mga nabubuhay nang tama,
pero sa mga manloloko, hindi ka magpapalamang.
27 Nililigtas mo ang mga humble,
pero ang mayayabang, binababa mo.
28 Binibigyan mo ako ng liwanag,
O Lord, aking Diyos, inaalis mo ang dilim sa buhay ko.
29 Dahil sayo, kaya kong durugin ang isang army,
dahil sayo, O Diyos ko, kaya kong pasukin ang depensa nila.
30 Perfect talaga ang ginagawa ng Diyos!
Basta sinabi ni Lord, sure na mangyayari!
Sya ang shield ng lahat ng lumalapit sa kanya para maligtas.
31 Si Lord lang ang Diyos, wala nang iba.
May iba pa bang magdi-defend sa atin, except sa Diyos natin?
32 Sya ang Diyos na nagbibigay sa akin ng lakas,
ginagawa nyang safe ang aking landas.
33 Kagaya ng sa deer, ginagawa nyang sure ang bawat hakbang ko,
sa mataas na bundok, sinisigurado nyang safe ako.
34 Tine-train nya ako para sa labanan,
para makaya kong gamitin ang pinakamalakas na pana.
35 O Lord, pinoprotektahan mo ako at nililigtas,
pinapatatag ako ng kamay mong malakas,
dahil sa tulong mo, naging kilalá ako.
36 Di mo hinayaang mahuli ako ng kalaban,
at never akong natumba.
37 Mga kaaway ko, hinahabol ko at hinuhuli,
hanggat di sila nauubos, di ako tumitigil.
38 Dinudurog ko sila para di na makabangon,
bumabagsak sila sa paanan ko.
39 Pinapalakas mo ako para sa laban,
sumusuko ang mga kalaban ko dahil sayo.
40 Yung mga kaaway ko, pinapaatras mo,
yung matindi ang galit sa akin, winawasak ko.
41 Humihingi sila ng tulong, pero walang nagse-save sa kanila,
tumatawag sila kay Lord, pero wala syang sagot.
42 Pinulbos ko sila, parang alikabok sa hangin,
inapak-apakan, parang putik sa kalsada.
43 Sinave mo ako sa mga taong kumokontra,
ginawa mo akong leader ng mga bansa,
mga taong di ko kilala, ngayon, under ko na.
44 Marinig lang ako, sunod agad sila,
yumuyuko sa harap ko, mga taga-ibang bansa.
45 Na-discourage sila, nawalan ng tapang,
nanginginig na naglabasan sa mga hideout nila.
46 Buháy si Lord! Sya ang depensa ko, purihin sya!
Mabuhay ang Diyos, sya ang nagliligtas sa akin!
47 Sya ang Diyos na gumaganti para sa akin,
ginawa nyang under sa akin ang mga bansa,
48 niligtas nya ako sa mga kaaway ko.
Nanalo ako sa mga kalaban ko dahil sayo,
sa mga taong marahas, niligtas mo ako.
49 Kaya nga, Lord, sa harap ng mga bansa, pupurihin kita.
Kakanta ako, pupurihin ko ang pangalan mo.
50 Malaking tagumpay ang binibigay ng Diyos sa kanyang hari!
Forever ang wagas nyang pagmamahal sa pinili nya—
kay David at sa lahat ng magiging anak at apo nya.
Footnotes
18:10
+ CHERUBIM: Creature sa langit na may pakpak.