Psalms
Chapter 30
Lord, Thank You!
1 Lord, pupurihin kita dahil niligtas mo ako,
at di hinayaang pagtawanan ng mga kaaway ko.
2 Lord, aking Diyos, humingi ako ng tulong sayo,
at ako'y pinagaling mo.
3 Inahon mo ako mula sa mundo ng mga patay,
muntik na akong mahulog, Lord, pero ako ay iyong binuhay.
4 Praise the Lord! Kantahan nyo sya, kayong mga pinili nya.
Sya ay banal, mag-thank you kayo sa kanya!
5 Ang galit nya, sandali lang,
pero ang kabutihan nya, panghabang buhay.
Umiyak ka man sa gabi,
pagdating ng umaga, kasama nun ang saya.
6 Nung okay ang lahat, sabi ko sa sarili,
“Never akong matitinag.”
7 Ang bait mo sa akin, Lord,
para kang malaking bundok na nagpo-protect sa akin.
Pero iniwan mo ako, kaya natakot ako.
8 Sayo Lord, nag-pray ako,
nagmakaawa akong tulungan mo:
9 “Anong mapapala mo pag namatay ako?
Anong pakinabang nun pag wala na ako?
Makakapagpuri ba ang mga patay?
Kaya ba nilang sabihin na faithful ka?
10 Maawa ka sa akin, Lord, maawa ka.
O Lord, tulungan mo ako!”
11 Yung lungkot ko, inalis mo,
napapasayaw ako sa tuwa.
Hindi na naghihirap ang loob ko,
at pinuno mo ako ng saya.
12 Kaya kakanta ako, pupurihin kita,
hindi ako tatahimik lang.
Lord, aking Diyos,
forever akong magpapasalamat sayo.