Psalms
Chapter 81
Kanta para sa Pyesta
1 Masaya nating kantahan ang Diyos, sya ang lakas natin,
sumigaw sa tuwa para sa Diyos ni Jacob!
2 Simulan na ang kantahan, sabayan ng tambourine,
tumugtog ng magandang melody gamit ang harp at lyre.
3 Hipan ang trumpet para sa pyesta,
pagsapit ng new moon at full moon.
4 Batas ito sa Israel,
inutos ng Diyos ni Jacob.
5 Binigay nya ito sa mga taga-Israel,
nung kinalaban nya ang Egypt.
May narinig ako, di ko alam kaninong boses, ang sabi,
6 “Inalis ko na sa balikat mo ang mabibigat mong dala,
pinalaya ko na ang mga kamay mo sa mahirap na trabaho.
7 Nung hirap na hirap ka, tumawag ka at niligtas kita.
Sumagot ako mula sa ulap, sa gitna ng bagyo,
tinest kita sa springs ng Meribah.
8 Bayan ko, makinig kayo sa warning ko,
O Israel, kung makikinig ka lang sa akin!
9 Wag kang magwo-worship sa diyos na di mo kilala,
wag kang yuyuko sa diyos ng ibang bansa.
10 Ako si Lord, ako ang iyong Diyos,
nilabas kita sa lupain ng Egypt.
Buksan mo ang bibig mo at papakainin kita.
11 “Pero ayaw akong pakinggan ng bayan ko,
walang pakialam ang Israel sa akin.
12 Matigas ang ulo nila, kaya hinayaan ko na,
bahala na sila, gawin nila kung anong gusto nila.
13 Kung makikinig lang ang bayan ko sa akin,
kung susunod lang sa akin ang Israel!
14 Tatalunin ko agad ang mga kaaway nila,
at paparusahan ko ang mga kalaban nila.
15 Lahat ng lumalaban kay Lord, manliliit sa takot sa kanya,
at forever na silang paparusahan.
16 Pero papakainin ko kayo ng pinakamasarap na tinapay
at bubusugin ko kayo ng best na honey.”