Psalms
Chapter 31
Sa Diyos Magtiwala
1 Lord, lumalapit ako sayo para maging safe,
wag mo akong hayaang mapahiya.
I-save mo ako, kasi ginagawa mo ang tama.
2 Please makinig ka, iligtas mo na ako!
Ikaw ang maging matibay na bato na magpo-protect sa akin,
matatag na pader na nagliligtas sa akin.
3 Yes, Lord, ikaw nga ang matibay kong bato
at matatag na pader na nagtatanggol sa akin,
gaya ng promise mo, i-guide at i-lead mo ako.
4 Ingatan mo ako sa mga trap na nakaabang sa akin,
kasi sa panganib, ikaw ang nag-iingat sa akin.
5 Binibigay ko sayo ang buhay ko, ikaw na ang bahala.
Ililigtas mo ako, Lord,
O Diyos, tapat ka at maaasahan.
6 Sa mga sumasamba sa diyus-diyosang walang kwenta, galit na galit ka.
Pero ako, Lord, sayo ako nagtitiwala.
7 Matutuwa ako at magse-celebrate,
kasi wagas ka kung magmahal.
Nakita mo kung paano ako nag-suffer,
at concerned ka sa pinagdadaanan ko.
8 Hindi mo ako hinayaang mahuli ng kaaway,
dahil sayo, nakakapunta ako kung saan ko gusto.
9 Lord, maawa ka sa akin,
sobra akong nahihirapan.
Haay, pagod na ang mata ko sa kakaiyak,
buong pagkatao ko, wala nang lakas.
10 Puro pagdurusa na lang ba ang buhay ko?
Lagi na lang akong umiiyak.
Nanghina na ako dahil sa mga problema,
pati mga buto ko bumibigay na.
11 Mga kaaway ko, grabe kung makainsulto,
lalo na yung mga kapitbahay ko.
Kahit mga kakilala ko, ayaw akong makasama,
pag nakita ako sa daan, umiiwas na sila.
12 Para na akong patay, basta na lang kinalimutan,
parang sirang gamit na itatapon na lang.
13 Ang dami kong naririnig na usap-usapan,
kahit saan, nakakatakot!
Nagbabalak sila ng masama sa akin,
pinaplano nila kung paano ako papatayin.
14 Pero tiwala ako sayo, Lord,
sabi ko nga, “Ikaw ang aking Diyos.”
15 Hawak mo ang buhay ko,
i-save mo ako sa mga kaaway ko
at sa mga nagpapahirap sa akin.
16 Ipa-experience mo ang iyong kabaitan sa iyong lingkod,
i-save mo ako dahil sa wagas mong pagmamahal sa akin!
17 Lord, sayo lang ako tumatawag,
wag mo akong ipahiya.
Ang ipahiya mo, yung mga masasama,
hayaan mo silang manahimik,
dun sa mundo ng mga patay.
18 Yang mga sinungaling, patahimikin mo,
ang yayabang nila, akala mo kung sino,
grabe kung manlait sa mga mabuting tao.
19 Umaapaw ang blessings mo
para sa mga taong may takot sayo.
Inaalagaan mo ang mga nagtitiwala sayo,
nakikita yun ng lahat ng tao.
20 Ligtas sila sa piling mo, tinatago mo sila
para hindi masaktan sa plano ng mga masama.
Tinatago mo sila sa safe na lugar,
para protected sila sa paninira ng iba.
21 Praise the Lord! Ang galing talaga!
Pinaramdam nya sa akin ang tapat nyang pagmamahal,
nung para akong isang city na under attack.
22 Natakot ako nun at napaisip,
“Balewala na ako sayo, Lord.”
Pero hindi pala, narinig mo ang prayer ko,
nung humingi ako sayo ng tulong.
23 Mahalin nyo si Lord, kayong bayan nya!
Iniingatan ni Lord ang tapat sa kanya,
pero sa mayabang, matindi ang parusa,
yung parusang deserve nila.
24 Kapit lang, tatagan nyo ang loob nyo,
kayong lahat na kay Lord umaasa!