Psalms
Chapter 149
I-celebrate ang Panalo ng Bayan
1 Praise the Lord!
Kantahan si Lord ng bagong awit,
purihin sya sa pagtitipon ng mga tapat sa kanya.
2 Magsaya ka, Israel, dahil sa nag-create sayo,
mag-celebrate kayo, mga taga-Zion, dahil sa hari nyo.
3 Sumayaw at purihin ang pangalan nya,
tugtugan sya ng tambourine at harp.
4 Natutuwa si Lord sa kanyang bayan,
ang mga humble, binibigyan nya ng tagumpay.
5 Magsaya ang bayan ng Diyos kasi panalo sila,
mag-celebrate sila buong magdamag.
6 Magpuri nang malakas sa Diyos,
hawak ang matatalim na espada,
7 para gantihan ang mga kalabang bansa
at parusahan ang ibang bayan,
8 para hulihin ang mga hari at leader nila
at igapos sa kadenang bakal,
9 para ipataw sa mga bansa ang hatol ng Diyos sa kanila.
Ang tagumpay na ito ay para sa bayan nya.
Praise the Lord!