Psalms
Chapter 144
Prayer para I-bless ang Bansa
1 Purihin si Lord, ang tagapagtanggol ko!
Tine-train nya ako para sa laban,
at hinahanda para sa gera.
2 Sya ang tagapagtanggol ko at depensa,
ang matibay kong pader at tagapagligtas,
ang shield ko at takbuhan.
Ginagawa niyang under sa akin ang mga bansa.
3 Lord, anong meron sa tao at concerned ka sa kanya,
tao lang naman, pero bakit iniisip mo sya?
4 Ang buhay ng tao, parang hininga,
ang mga araw nya, parang aninong nawawala.
5 O Lord, buksan mo ang langit at bumaba ka,
hawakan mo ang mga bundok at uusok sila.
6 Patamaan mo ng kidlat ang mga kaaway at ikalat mo sila,
paulanin mo ang iyong mga pana at magtatakbuhan sila.
7 I-stretch mo ang kamay mo mula sa langit,
iahon mo ako at sagipin sa malalim na tubig,
i-save mo ako sa kamay ng mga dayuhan,
8 lagi silang nagsisinungaling,
at kahit sumumpa, di nagsasabi ng totoo.
9 Kakantahan kita ng bagong awit, O Diyos,
sasabayan ko pa ng pagtugtog ng harp.
10 Ikaw ang nagpapanalo sa mga hari,
at nililigtas mo ang servant mong si David.
11 I-rescue mo ako sa malulupit na kaaway,
iligtas mo ako sa kamay ng mga dayuhan,
lagi silang nagsisinungaling,
at kahit sumumpa, di nagsasabi ng totoo.
12 Sa pagbibinata ng mga anak namin,
maging matatag sana sila kagaya ng mga puno.
Ang mga anak naming babae,
maging kagaya ng naggagandahang mga poste sa palasyo.
13 Mapuno sana ang mga imbakan
ng ibat-ibang hinarvest na pananim.
Magkaanak sana ng libu-libo
ang mga tupa sa bukid namin.
14 Manganak sana nang marami ang mga baka namin,
wag sanang makunan o mamatay ang anak.
Ang mga kalsada namin, wag sanang mapuno ng iyakan.
15 Masaya ang bansa na bine-bless nang ganito,
masaya ang bayan na ang Diyos ay si Lord!