Psalms
Chapter 46
Kakampi Natin ang Diyos
1 Ang Diyos ang takbuhan natin at ang nagbibigay ng lakas,
laging ready tumulong pag may kaguluhan.
2 Kaya hindi tayo matatakot kahit lumindol,
kahit gumuho ang mga bundok at lumubog sa ilalim ng dagat,
3 kahit magwala at magalit ang mga alon,
at sa hampas nito, mayanig ang mga bundok.
4 May ilog na nagpapasaya sa city ng Diyos,
sa banal na tirahan ng Pinakamataas na Diyos.
5 Nandun ang Diyos sa city na yun, never yung mawawasak.
Iingatan nya yun, pagsikat pa lang ng araw.
6 Nagkagulo ang mga bansa, bumagsak ang mga kaharian,
nagsalita ang Diyos, at natakot ang mundo.
7 Kakampi natin si Lord na Makapangyarihan sa lahat,
ang Diyos ni Jacob ang ating takbuhan.
8 Tara, tingnan nyo ang mga ginawa ni Lord,
ang tindi ng mga ginawa nya sa mundo.
9 Napapatigil nya ang mga gera sa buong mundo,
sinisira nya ang mga pana, binabali ang mga sibat,
at ang mga shield, sinusunog nya.
10 Ang sabi nya, “Itigil ang laban, ako ang Diyos, dapat nyong malaman,
ako ang pinakamataas sa lahat ng mga bansa,
ang pinakamataas sa buong mundo!”
11 Kakampi natin si Lord na Makapangyarihan sa lahat,
ang Diyos ni Jacob ang ating takbuhan.