Psalms
Chapter 66
Sumigaw ng Papuri sa Diyos
1 Buong mundo ay magsaya,
isigaw nyo, “Praise God!”
2 Kumanta ng papuri sa Diyos na dakila!
I-offer ang best na papuri sa kanya.
3 Sabihin sa Diyos, “Grabe! Sobrang nakakabilib ang iyong mga gawa!
Pambihira ang iyong kapangyarihan,
nanginginig sa takot ang iyong mga kalaban.
4 Ikaw ang wino-worship ng lahat ng tao sa mundo,
kinakanta nila mga papuri sayo,
ang sentro ng pagpupuri nila ay ang pangalan mo.”
5 Tara, tingnan nyo ang ginawa ng Diyos!
Grabe, nakakabilib talaga ang ginawa nya sa mga tao!
6 Ginawa nyang tuyong lupa ang dagat,
ganun din ang ilog, tinawid ng ating mga ninuno.
Dahil sa ginawa nya, nag-celebrate tayo sa lugar na yun.
7 Gamit ang lakas nya, naghahari sya forever,
binabantayan nya ang bawat kilos ng mga bansa,
kaya pagrerebelde ay wag na nilang i-try.
8 Lahat ng mga bansa, purihin ang ating Diyos!
Isigaw at iparinig sa lahat, “Praise God!”
9 Pinrotect nya tayo kaya tayo ay buháy
at di nya hinayaang bumagsak at mamatay.
10 O Diyos, tinest mo kami.
Parang silver, dinaan sa apoy para i-purify,
tiningnan mo nga kung kami ay tunay.
11 Hinayaan mo kaming mahulog sa trap,
binigyan mo kami ng pasaning mabigat.
12 Okay lang sayo na tapak-tapakan kami ng mga kaaway.
Dumaan kami sa apoy at sa baha,
pero ngayon, sa safe na lugar kami ay iyong dinala.
13 Mag-ooffer ako ng mga sacrifice sa temple mo,
ang offering na pinangako, ibibigay ko.
14 Yun ang promise na sinabi ko
nung ako ay gulung-gulo.
15 Isa-sacrifice ko ang best kong tupa, baka, at kambing,
iaalay ko ang mga yun para sunugin,
at ang mabangong usok nito sa langit makakarating.
16 Halikayo't makinig, kayong nagwo-worship sa Diyos!
Ikukwento ko sa inyo kung gaano sya kabait sa akin.
17 Nag-pray ako sa Diyos, humingi ng tulong,
pagkatapos, sa kanya ako ay nagpuri.
18 Kung sa kasalanan ako ay nagpatuloy,
hindi ako papakinggan ni Lord.
19 Pero pinakinggan ako ng Diyos,
sinagot nya ang prayer ko.
20 Praise God!
Ang prayer ko ay hindi nya tinanggihan,
tapat sya kung magmahal at hindi nang-iiwan.