Psalms
Chapter 104
Purihin si Lord na Nag-create sa Atin
1 Buong puso kong pupurihin si Lord!
O Lord, aking Diyos, ang galing mo talaga!
Kitang-kita sayo ang dangal at pagiging hari,
2 nababalot ka ng liwanag.
Nilatag mo ang langit na parang isang tolda,
3 tinayo mo ang tirahan mo sa tubig na nasa itaas.
Mga ulap ang ginamit mong karwahe,
sumakay ka sa mga pakpak ng hangin.
4 Ginawa mong messenger ang mga hangin,
mga kidlat naman ang naging servant mo.
5 Ikaw ang naglagay ng pundasyon ng mundo,
kaya never itong mauuga.
6 Nilatag mo sa mundo ang dagat na parang damit,
at natakpan ng tubig ang mga bundok.
7 Nung nagalit ka sa mga tubig, sila ay tumakas,
sa boses mong parang kulog, mabilis silang nagsilayas.
8 Bumuhos sa mga bundok, papunta sa mga patag,
at naipon sa lugar na tinakda mo para sa kanila.
9 Naglagay ka ng boundary na di nila pwedeng lampasan,
para di na ulit mabalot ng tubig ang mundo.
10 Pinadaloy mo ang mga batis sa pagitan ng mga bundok,
pinaagos mo sa gitna ng mga burol.
11 Doon umiinom ang mga hayop sa gubat,
naaalis nito ang uhaw ng mga donkey na mailap.
12 Nagpupugad malapit dun ang mga ibon,
dun sila kumakanta sa mga sanga ng puno.
13 Mula sa langit na tirahan mo, dinidiligan mo ang mga bundok,
nabubusog ang lupa sa bunga ng mga ginawa mo.
14 Pinapatubo mo ang damo para sa mga baka,
pati mga halamang inaalagaan ng mga tao,
para may pagkain silang makuha mula sa lupa,
15 wine na nagpapasaya ng puso,
olive oil na nagpapaganda ng mukha,
at tinapay na nagbibigay ng lakas.
16 Ang mga puno ni Lord, laging nadidiligan,
mga puno ng cedar ng Lebanon na sya ang nagtanim.
17 Sa mga punong ito namumugad ang mga ibon,
sa iba pang mga puno, nandun ang mga tagak.
18 Nasa matataas na bundok ang maiilap na kambing,
sa bitak ng mga bato nagtatago ang mga kuneho.
19 Ginawa mo ang buwan para malaman ang panahon,
alam ng araw kung kelan sya lulubog.
20 Ginawa mo ang dilim, at yun ang naging gabi,
kung kelan naglalabasan lahat ng hayop sa gubat.
21 Nagro-roar ang mga batang lion, naghahanap ng lalapain,
hinahanap ang pagkaing sa Diyos nanggagaling.
22 Pagsikat ng araw, umuuwi na sila,
humihiga sa mga lungga nila.
23 Ang tao naman, lumalabas para magtrabaho,
hanggang gabi, sya ay kumakayod.
24 O LORD, napakarami mong ginawa!
Mahusay kang mag-isip, nagawa mo itong lahat!
Punung-puno ang mundo ng lahat ng crineate mo.
25 Ayan ang dagat, malaki at malawak,
ang mga nandyan na may buhay, hindi mabibilang,
lahat ng nabubuhay, malaki o maliit man.
26* Bumabyahe dyan ang mga barko,
dyan din naglalaro ang Leviathan na ginawa mo.
27 Lahat sila, sayo umaasa,
na bibigyan mo ng pagkain pag kailangan nila.
28 Pagbigay mo sa kanila, tinatanggap nila yun,
binubukas mo ang palad mo, at nabe-bless sila ng magagandang bagay.
29 Pag tumalikod ka, natatakot sila,
pag binawian mo ng hininga, namamatay na
at bumabalik sila sa lupa.
30 Pag binibigyan mo sila ng hininga, nabubuhay sila,
binibigyan mo ng bagong buhay ang lupa.
31 Forever sanang makita ang dakilang kapangyarihan ni Lord!
Matuwa sana si Lord sa mga ginawa nya!
32 Tiningnan nya ang mundo, at nanginig ito,
hinawakan nya ang mga bundok, at ang mga ito ay umusok.
33 Kakantahan ko si Lord habang nabubuhay ako,
sa buong buhay ko, pupurihin ko ang aking Diyos.
34 Matuwa sana si Lord sa mga iniisip kong ito,
kasi sya ang nagpapasaya sa akin.
35 Mabura na sana sa mundo ang mga makasalanan,
mawala na sana ang mga masasama!
Buong puso kong pupurihin si Lord!
Praise the Lord!

Footnotes


104:26 + LEVIATHAN: Tingnan sa Psalm 74:13.