Psalms
Intro
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
Mga Hinaing ng may Kaaway
1 O Diyos, pinupuri kita,
please, wag kang manahimik lang!
2 Nagsasalita ang masasama at manloloko laban sa akin,
lahat naman sila, nagsisinungaling.
3 Ginugulo ako, ang sasama ng sinasabi,
tinitira nila ako nang walang dahilan.
4 Minahal ko sila, pero pinagbintangan nila ako ng masama,
pinagpe-pray ko pa naman sila.
5 Masama ang ginanti nila sa ginawa kong mabuti,
at sa pagmamahal ko, galit ang sinukli.
6 Pumili ka ng masamang tao na lalaban sa kaaway ko,
may magsampa sana sa kanya ng kaso.
7 Pag nilitis na sya, lumabas sanang guilty sya,
pati prayers nya, ituring sanang kasalanan!
8 Maging bilang na sana ang mga araw nya,
at agawin ng iba ang trabaho nya!
9 Maulila sana ang mga anak nya,
at ang asawa nya, maging byuda!
10 Maging pulubi at palaboy sana ang mga anak nya,
palayasin sana sila sa sira-sirang bahay na tinuluyan nila!
11 Sana lahat ng meron sya, kunin ng inutangan nya,
tapos lahat ng pinaghirapan nya, nakawin ng mga di nya kilala!
12 Wala sanang maging mabait sa kanya,
sa naiwan nyang mga anak, wala sanang maawa.
13 Wag na sanang masundan ang lahi nya,
at ang pangalan nya, mabura na sa next generation.
14 Tandaan sana ni Lord ang kasalanan ng ninuno nya,
at wag patawarin ang kasalanan ng nanay nya.
15 Wag sanang kalimutan ni Lord ang mga kasalanan nya,
pero sya mismo, malimutan na talaga!
16 Kasi never naisip ng taong yan na maging mabait.
Pinahirapan nya yung mahihirap hanggang sa mamatay,
pati yung mga walang-wala at sobrang down.
17 Gusto nyang may mangyaring masama sa iba, sa kanya sana mangyari yun!
Ayaw nyang i-bless ang iba, sya sana ang hindi i-bless!
18 Kung sumpain nya ang iba, parang nagbibihis lang sya,
sana yung sumpa nya, ma-absorb ng katawan nya na parang tubig,
parang oil, nanunuot hanggang sa buto!
19 Maging parang damit sana yun na nakabalot sa kanya,
parang belt na suot nya araw-araw!
20 Lord, ganyan mo parusahan ang mga naninira sa akin,
yung mga nagsasabi ng masama laban sa akin!
21 Pero Lord, Panginoon ko, tulungan mo ako kasi pangako mo yun,
iligtas mo ako kasi mabuti ka at wagas magmahal.
22 Mahirap lang ako at walang-wala,
nasasaktan ako, tagos sa puso ko.
23 Mawawala na ako, parang anino sa gabi,
para akong insektong pinaalis sa halaman.
24 Hindi ako kumakain kaya nanghina ang tuhod ko,
naging buto't balat na ako.
25 Pinagtatawanan ako ng mga tao,
pailing-iling pa pag nakikita ako.
26 Tulungan mo ako, Lord, O Diyos ko!
Wagas kang magmahal, i-save mo ako!
27 Ipakita mo sa mga kaaway na ikaw ang may gawa nito,
O Lord, ikaw nga ang nag-save sa akin.
28 Sige, kahit isumpa nila ako, ibe-bless mo naman ako!
Matalo sana ang mga nagpapahirap sa akin,
at matutuwa ako, ako na nagse-serve sayo.
29 Mapahiya sana ang mga kaaway ko,
mabalot sana sila ng kahihiyan.
30 Pupurihin ko si Lord sa harap ng maraming tao,
isisigaw ko nang malakas, “Thank you, Lord!”
31 Pinagtatanggol nya kasi ang mga mahihirap,
para i-save sila sa mga humatol sa kanila ng kamatayan.