Psalms
Chapter 5
Prayer para Ingatan ng Diyos
1 Pakinggan mo ako, O Lord,
pansinin mo ang hinaing ko.
2 Aking Diyos at hari,
please, makinig ka sa akin!
Lord, sayo ako nananalangin,
3 naririnig mo ako sa umaga.
Pagsikat ng araw, nagpe-pray ako
at naghihintay ng sagot mo.
4 Ikaw yung Diyos na hindi natutuwa sa mga maling gawa,
di ka papayag na makasama mo ang masama.
5 Hindi tatagal sa harap mo ang mga mayayabang,
galit ka sa lahat ng taong masama ang ginagawa.
6 Lahat ng mga sinungaling, pinupuksa mo,
grabe ang galit mo, Lord, sa mga pumapatay ng tao at mga nanloloko.
7 Pero sa sobrang laki ng pagmamahal mo,
pwede akong pumasok sa tahanan mo.
Sasamba ako sa iyong banal na Temple,
at yuyuko sayo nang may paggalang at takot.
8 Lord, i-lead mo ako na gawin ang gusto mo,
ipakita mo sa akin ang lalakaran ko,
kasi napakarami kong kaaway!
9 Walang totoo sa sinasabi ng mga kaaway ko!
Ang gusto lang nila, sirain ang buhay ng iba.
Yung bibig nila, parang bukas na libingan,
puro panloloko ang sinasabi nila.
10 O Diyos, panagutin mo sila, parusahan mo!
Ibagsak mo sila sa sarili nilang pakana.
Palayasin mo sila, ang dami nilang kasalanan!
Ayaw nilang sumunod, sayo pa ay lumalaban.
11 Pero ang lumalapit sayo para maging safe,
laging kakanta sa tuwa at magse-celebrate!
Ingatan mo silang nagmamahal sayo,
ikaw ang dahilan kaya sobrang saya nila.
12 Bine-bless mo, O Lord, ang masunurin sayo,
pagmamahal mo ang shield na nag-iingat sa kanila.