Psalms
Chapter 28
Prayer para Tulungan ng Diyos
1 Lord, aking tagapagtanggol, sayo ako tumatawag.
Please, wag kang magbingi-bingihan!
Pag hindi mo ako sinagot,
sa hukay na ang bagsak ko.
2 Makinig ka sa prayer ko,
tinataas ko ang mga kamay ko sa banal mong Temple.
Maawa ka sa akin, tulungan mo ako.
3 Wag mo akong idamay sa mga masasama—
silang gumagawa ng hindi tama.
Mabait lang sila kung magsalita,
pero puso nila'y may balak na masama.
4 Pagbayarin mo sila sa kanilang kasalanan,
ibigay mo ang parusang deserve nila!
5 Wala silang pakialam sa mga ginawa mo, Lord,
o sa mga crineate mo,
kaya ibabagsak mo sila,
at hinding-hindi na makakabangon pa.
6 Praise the Lord!
Sinagot nya ang prayer ko.
7 Kay Lord galing ang lakas ko,
sya ang nagdi-defend sa akin.
Sa kanya ako nagtitiwala.
Tinutulungan nya ako,
sobrang saya ng puso ko,
kakanta ako para mag-thank you sa kanya.
8 Kay Lord galing ang lakas ng bayan nya;
takbuhan sya ng haring pinili nya
walang mangyayaring masama sa kanya.
9 Iligtas mo ang bayan mo, Lord,
at i-bless mo ang iyong mga anak.
Ikaw ang maging shepherd nila,
at forever mo silang alagaan.