Psalms
Chapter 116
Papuri ng Taong Muntik nang Mamatay
1 Lord, mahal kita, pinakinggan mo ako,
nakikinig ka pag nagpe-pray ako.
2 Lagi kang nakikinig sa akin,
kaya lagi akong tatawag sayo.
3 Delikado ang buhay ko, mapanganib ang paligid,
na-trap ako ng sobrang takot sa kamatayan,
naiisip ko pa lang, takot na takot na ako.
4 Kaya nag-pray ako, sabi ko,
“Please, Lord, ayoko pang mamatay!”
5 Matuwid si Lord at sobrang maawain,
talagang mabait ang Diyos natin.
6 Si Lord ang nag-iingat sa mga kawawa,
ni-rescue nya ako nung delikado na ang lagay ko.
7 Sabi ko sa sarili ko, “Relax, wag kang matakot,
kasi mabait si Lord sayo.”
8 Niligtas ako ni Lord, hindi ako namatay,
pinatahan nya ako sa pag-iyak,
di nya ako hinayaang bumagsak.
9 Mabubuhay akong kasama si Lord
sa mundo ng mga buháy.
10 Di nawala ang faith ko kahit sinabi kong,
“Durog na durog na ako.”
11 Sabi ko nung gulung-gulo na ako,
“Lahat ng tao, sinungaling!”
12 Anong pwede kong i-offer kay Lord
sa lahat ng kabutihan nya sa akin?
13 Mag-ooffer ako ng wine kay Lord,
para magpasalamat kasi niligtas nya ako.
14 Ibibigay ko kay Lord ang mga pinromise ko,
sa harap ng lahat ng nagwo-worship sa kanya.
15 Sobrang sakit kay Lord,
pag namatay ang mga taong loyal sa kanya.
16 O Lord, nagse-serve ako sayo,
kagaya ng ginawa ng nanay ko.
Mula sa kamatayan, sinave mo ako.
17 Mag-ooffer ako ng sacrifice para magpasalamat sayo,
tatawag ako sa pangalan mo, Lord.
18 Ibibigay ko kay Lord ang mga pinromise ko,
sa harap ng lahat ng nagwo-worship sa kanya,
19 dun sa Temple na bahay ni Lord,
sa gitna mo, O Jerusalem.
Praise the Lord!