Psalms
Intro
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
Kasamaan ng Tao
1 Sa puso ng masasama, bumubulong ang kasalanan,
wala silang takot sa Diyos at wala ding galang.
2 Feeling nila ang galing nila,
na kahit gumawa sila ng kasalanan,
di yun malalaman at di mapaparusahan.
3 Ang laman ng bibig nila puro masama at panloloko,
hindi na nila alam gawin ang tama at mabuti.
4 Matutulog na lang, nagpaplano pa ng masama,
wala silang ginagawang mabuti,
basta masama, okay sa kanila.
Kabutihan ng Diyos
5 Lord, abot sa langit ang pag-ibig mong wagas,
lampas pa sa mga ulap ang pagiging tapat mo.
6 Ang pagiging matuwid mo, kasingtaas ng bundok,
at ang pagiging patas mo, kasinglalim ng dagat.
Lord, tao man o hayop, lahat inaalagaan mo.
7 O Diyos, napakahalaga ng wagas mong pagmamahal!
Safe kami sa ilalim ng protection mo.
8 Nagpipyesta kami sa dami ng handa mo,
pinapainom mo kami sa umaagos na kabutihan mo.
9 Sayo nanggagaling ang buhay,
at dahil sa ilaw mo nakikita namin ang liwanag.
10 Sige, Lord, lagi mong mahalin nang wagas ang mga nagmamahal sayo,
at lagi mong i-bless yung mga tama ang ginagawa.
11 Wag mong hayaang tapakan ako ng mayayabang
o ipagtabuyan ako ng masasama.
12 Nakahandusay na ang masasama.
Ayan! Bagsak na sila, di na makakabangon pa.