Psalms
Chapter 69
Diyos Ko! Tulong!
1 Diyos ko, iligtas mo ako!
Abot leeg na yung tubig, malulunod na ako!
2 Lumulubog na ako sa malalim na putik,
walang matuntungan ang paa ko.
Ang lalim na ng tubig,
nilalamon pa ako ng malalaking alon.
3 Pagod na ako sa kakasigaw,
masakit na ang lalamunan ko.
Lumabo na mga mata ko,
kakahintay sa tulong mo, O Diyos ko.
4 Mas madami pa sa buhok ko ang mga galit sa akin,
wala namang dahilan para magalit sila.
Malakas ang aking mga kaaway at gusto nila akong patayin.
Paggawa ng kwento, dun sila magaling.
Grabe, ibalik ko daw ang hindi ko naman ninakaw!
5 O Diyos ko, alam mo ang mga kasalanan ko,
aking mga kalokohan, di maitatago sayo.
6 Wag sanang mapahiya nang dahil sa akin ang mga nagtitiwala sayo,
ikaw, O Lord, ang Makapangyarihang Diyos!
Wag sanang mapahiya nang dahil sa akin ang mga nagwo-worship sayo,
ikaw ang Diyos ng Israel!
7 Para sayo, tiniis ko yung mga pang-iinsulto,
napahiya ako nang todo.
8 Mga kamag-anak ko, di ako kilala,
para akong foreigner sa sarili kong pamilya.
9 Parang apoy sa puso ko ang pagmamahal ko sa Temple mo,
sa akin bumabagsak ang mga insulto sayo.
10 Nagpaka-humble ako at nag-fasting,
pero yung mga tao, plastik ang tingin sa akin.
11 Nagluksa ako at nagsuot ng sako,
pero nilait-lait pa ako.
12 Ako ang topic ng mga tsismisan sa daan,
kanta ng mga lasenggero, tungkol sa aking kasiraan.
13 Pero ako Lord, sayo ako magpe-pray.
Sa tamang time, O Diyos,
sa umaapaw at wagas mong pagmamahal,
sagutin mo ako,
dahil di ka nakakalimot sa promise mong magligtas.
14 I-rescue mo ako bago malubog sa putik,
sa mga kaaway, i-save mo ako,
at sa malalim na tubig, ako'y sagipin.
15 Pigilan mo ang baha para di ako tangayin,
sa malalim na dagat ako'y sagipin,
wag mong hayaang tuluyang malibing.
16 LORD, prayer ko sana ay sagutin, kasi mabuti ka at wagas magmahal,
alam kong sobrang maawain ka, ako sana ay pansinin!
17 Wag mo sanang talikuran ang nagse-serve sayo,
hirap na hirap na ako, sige na, tulungan mo na ako!
18 Puntahan mo ako at iligtas,
sa mga kaaway ko, ako'y itakas!
19 Alam mong iniinsulto ako,
pinapahiya, binabastos ang aking pagkatao,
kilala mo ang lahat ng kaaway ko.
20 Nadurog ang puso ko, ang sakit ng mga sinabi nila,
sobrang na-down talaga ako.
Wala man lang naawa sa akin,
ni mag-comfort, wala din.
21 Instead na pakainin, binigyan ako ng lason,
nung ako ay nauhaw, suka ang pinainom.
22 Maging biktima sana sila sa sarili nilang handaan,
sa mga pyestahan, matatapos ang buhay nila.
23 Bulagin mo sila para hindi na makakita!
Manghina at manginig sana ang mga katawan nila!
24 Sige, ibuhos mo ang galit mo sa kanila,
at maramdaman nila ang nag-aapoy mong galit.
25 Mawasak sana at pabayaan ang kanilang kampo,
at walang matira ni isang tao sa mga tents nila.
26 Yung pinarusahan mo na, inaapi pa nila,
pinag-tsismisan pa yung sinaktan mo na.
27 Ilista mo lahat-lahat ng kasalanan nila,
wag mong hayaang makalusot sila.
28 Burahin mo sila sa libro ng mga buháy,
sa listahan ng mabubuti, wag mo silang isali.
29 Hirap na hirap ako, ang sakit talaga!
Diyos ko, iligtas mo ako, wag mo akong hayaang ma-down.
30 Kakanta ako ng papuri sa Diyos,
sasabihin ko, “Lord, thank you! Sobrang galing mo!”
31 Mas gusto yan ni Lord kesa offering na baka,
kesa torong pinalaki at pinataba.
32 Pag nakita ito ng mga inaapi, magsasaya sila,
magwo-worship sila sa Diyos sa sobrang tuwa.
33 Nakikinig si Lord sa mga nangangailangan,
bayan nyang nakabilanggo, hindi nya kinakalimutan.
34 Purihin nyo ang Diyos, O langit at lupa,
pati kayong mga dagat, at lahat ng may buhay na nandun!
35 Ise-save ng Diyos ang Jerusalem,
mga bayan ng Judah, muling ibabangon.
Magiging kanila ang lupa,
at dun na titira ang bayan nya.
36 Mga anak ng nagwo-worship sayo ang magmamana ng lupain,
lahat ng nagmamahal sa Diyos, dun sila patitirahin.