Psalms
Chapter 118
Salamat Lord, Nanalo Kami!
1 Magpasalamat kay Lord kasi mabuti sya,
walang hanggan ang wagas nyang pagmamahal!
2 Mga taga-Israel, sabihin nyo,
“Walang hanggan ang wagas nyang pagmamahal!”
3 Angkan ni Aaron, sabihin nyo,
“Walang hanggan ang wagas nyang pagmamahal!”
4 Lahat ng may takot kay Lord, sabihin nyo,
“Walang hanggan ang wagas nyang pagmamahal!”
5 Nung hirap na hirap ako, tumawag ako kay Lord,
sumagot sya at inalis ako sa hirap na pinagdadaanan ko.
6 Kakampi ko si Lord, hindi ako matatakot.
Walang magagawa ang tao para saktan ako.
7 Kakampi ko si Lord, tinutulungan nya ako,
makikita kong matatalo ang mga kaaway ko.
8 Mas mabuting kay Lord humingi ng tulong,
kesa umasa sa mga tao.
9 Mas mabuti pang kay Lord humingi ng tulong,
kesa umasa sa mga powerful na leader.
10 Pinaligiran ako ng mga kaaway na bansa,
pero sa tulong ni Lord, natalo ko sila!
11 Pinaligiran nila ako, kahit saang side nandun sila,
pero sa tulong ni Lord, natalo ko sila!
12 Pinaligiran nila ako na parang mga bubuyog,
pero para silang tuyong damo, mabilis na nasunog.
Sa tulong ni Lord, natalo ko sila!
13 Sa tindi ng paglusob nila, halos matalo na ako,
pero tinulungan ako ni Lord.
14 Si LORD ang lakas ko, ginagawa nya akong powerful,
sya ang nagligtas sa akin.
15 May naghihiyawan sa mga tent ng bayan ng Diyos,
sine-celebrate ang kanilang panalo, sinisigaw nila,
“Ang galing ni Lord, panalo tayo!
16 Powerful talaga si Lord!
Sya ang nagpanalo sa atin!”
17 Hindi ako mamamatay, mabubuhay pa ako,
ipagsasabi ko pa ang mga ginawa ni Lord.
18 Ang bigat ng parusa sa akin ni Lord,
pero binuhay pa rin nya ako.
19 Buksan nyo ang mga pinto ng Temple,
papasok ako at magte-thank you kay Lord!
20 Ito ang pinto ni Lord,
yung mga gumagawa ng mabuti ang makakapasok dito.
21 Thank you, Lord, pinakinggan mo ako,
at dahil sayo naligtas ako!
22 Yung batong ni-reject ng mga nagtatayo ng bahay,
yun pa ang naging pinaka-importanteng bato.
23 Si Lord ang gumawa nito,
grabe, ang gandang tingnan!
24 Ito ang araw ng tagumpay ni Lord,
magsaya tayo at mag-celebrate!
25 I-save mo kami, Lord, i-save mo kami!
O Lord, sana maging successful ang mga gagawin namin!
26 Blessed ang taong dumadating dala ang pangalan ni Lord!
Mula dito sa Temple ni Lord, bine-bless namin kayo.
27 Si Lord ang Diyos, pinasikat nya ang liwanag nya sa atin.
Mag-celebrate, dalhin ang mga sanga ng palm tree,
lumakad hanggang sa altar.
28 Ikaw ang aking Diyos, magpapasalamat ako sayo,
idi-declare kong dakila ka sa lahat.
29 Magpasalamat kay Lord kasi mabuti sya,
walang hanggan ang wagas nyang pagmamahal!