Psalms
Chapter 75
Ang Diyos ang Nag-iisang Judge
1 O Diyos, thank you! Nagpapasalamat kami sayo!
Dini-declare namin, “Ang galing mo talaga!”
Binabalikan namin ang mga ginawa mong nakakabilib.
2 Sabi mo, “Ija-judge ko ang mundo sa time na sinet ko,
at patas ang magiging judgment ko.
3 Mayanig man ang buong mundo,
kasama ang lahat ng nandito,
hindi ito babagsak, hawak ko ang pundasyon nito.
4 Sabi ko sa mayayabang,
‘Wag nga kayong mayabang!’
Sabi ko sa masasama,
‘Wag nyong ipagmalaki ang lakas nyo!
5 Wag kayong pasikat,
manahimik nga kayo!’”
6* Ang judgment ay hindi galing sa east o sa west,
di yun galing sa north o sa south.
7 Ang Diyos ang nag-iisang judge,
desisyon nya kung sinong paparusahan,
at kung sino ang papalayain.
8 May hawak na baso si Lord,
punung-puno yun ng galit nya, parang matapang na alak,
ibubuhos nya yun, ipapainom sa masasama,
hanggang sa huling patak sila ay tutungga.
9 Forever akong magsasaya dahil sa Diyos ni Jacob,
kakanta ako, pupurihin ko sya.
10 Wawasakin nya ang power ng masasama,
pero ang mga matuwid, palalakasin pa nya.

Footnotes


75:6 + sa north o sa south: Sa Hebrew, sa desert ng mga bundok.