Psalms
Chapter 17
Prayer ng Walang Kasalanan
1 O Lord, please, makinig ka, gusto ko ng hustisya!
Pansinin mo ang hinaing ko.
Pakinggan mo ang prayer ko,
nagsasabi ako ng totoo!
2 Please, humatol ka ng pabor sa akin
kasi alam mo kung ano ang tama.
3 Alam mo ang nasa puso ko.
Kahit puntahan mo ako sa gabi
o i-test mo pa ako,
wala kang makikitang masama sa akin.
Hindi ako nagsasabi ng masama,
4 di kagaya ng ibang tao.
Sinunod ko lahat ng utos mo,
di ako gumaya sa mga taong marahas.
5 Lagi kong sinusunod ang tinuro mong daan,
hindi ako lumihis ng landas kahit kelan.
6 O Diyos, sayo ako nagpe-pray kasi alam kong sasagot ka,
sige na, pakinggan mo ang sinasabi ko.
7 Ipakita mo ang wagas mong pagmamahal
sa nakaka-amaze na paraan.
Ikaw ang savior ng mga gustong maging safe sa mga kalaban.
8 Ingatan mo akong mabuti na parang favorite mong anak,
itago mo ako sa lilim ng iyong mga pakpak,
9 i-protect mo ako sa paglusob ng masasama.
Nakapaligid sa akin ang malulupit kong kaaway,
10 wala silang awa, ang yayabang magsalita!
11 Lagi nila akong sinusundan, nandyan na sila sa paligid,
naghihintay ng chance na ibagsak ako sa lupa.
12 Para silang mga lion, gusto nila akong lapain,
parang batang lion, nagtatago at nag-aabang.
13 O Lord, kumilos ka! Harapin mo ang mga kaaway ko, talunin mo na!
Iligtas mo ako sa masasama, gamitin mo ang iyong espada!
14 I-save mo ako, Lord, gamit ang lakas mo,
sa mga taong materyal na bagay lang ang gusto sa mundo.
Sige, busugin mo sila sa hinanda mong parusa,
sana sobra pa ang matanggap ng mga anak nila,
hanggang sa mga apo nila, meron pang matira!
15 Pero ako, makikita kita, Lord, wala akong kasalanan.
Paggising ko, masaya ako kasi kasama kita.