Psalms
Chapter 128
Masaya ang Taong may Takot kay Lord
1 Masaya ang bawat taong may takot kay Lord,
yung mga lumalakad ayon sa gusto nya.
2 Ma-eenjoy mo ang bunga ng pinaghirapan mo,
magiging masaya ka at gaganda ang buhay mo.
3 Magiging mabunga ang iyong asawa,
parang puno ng ubas sa bahay mo.
Ang mga anak mo, parang mga sanga ng olive tree,
nakapalibot sa mesa mo.
4 Ganyan nga ibe-bless ang mga may takot kay Lord.
5 Mula sa Zion, i-bless ka sana ni Lord!
Sa buong buhay mo, makita mo sanang maunlad ang Jerusalem!
6 Sana makita mo ang mga magiging apo mo!
Maghari sana ang kapayapaan sa Israel!