Psalms
Chapter 132
Parangal sa Tahanan ni Lord
1 O Lord, isipin mo si David,
at lahat ng hirap na kanyang tiniis.
2 Nag-promise sya sayo, Lord,
sayo na Makapangyarihang Diyos ni Jacob,
3 “Di ako uuwi sa bahay o hihiga man lang,
4 di ako matutulog, ni hindi rin iidlip,
5 hanggang mahanapan ko ng lugar si Lord,
lugar na pwedeng tirhan ng Makapangyarihang Diyos ni Jacob.”
6 Nabalitaan namin sa Bethlehem ang tungkol sa Box ng Kasunduan,
at nakita namin yun sa bukid ng Jearim.
7 Sabi namin, “Tara sa bahay ni Lord,
mag-worship tayo sa paanan nya!”
8 O Lord, pumasok ka sa tahanan mo,
kasama ang Box ng Kasunduan na symbol ng power mo.
9 Ang mga priest mo, lagi sanang gumawa ng tama,
at ang mga tapat sayo, sumigaw sa saya.
10 Alang-alang sa servant mong si David,
wag mong i-reject ang pinili mong hari.
11 Lord, seryoso ka sa promise mo kay David,
pangako yun na di mo babawiin,
sabi mo, “Gagawin kong hari ang isa sa mga anak mo,
sya ang magmamana ng iyong trono.
12 Kung tutupad sa aking kasunduan ang mga anak mo,
at kung susundin nila ang mga utos ko,
pati mga anak nila, forever magmamana ng trono.”
13 Pinili ni Lord ang Zion,
gusto nyang maging tahanan yun.
14 Sabi nya, “Dito ako mag-iistay forever,
dito ako titira, dito ko gusto.
15 Ibibigay ko nang todo lahat ng kailangan ng Zion,
papakainin ko ang mahihirap, bubusugin ko sila.
16 Makikita sa mga priest ang pagliligtas ko,
at ang tapat kong bayan, sisigaw sa saya.
17 Gagawin kong dakilang hari ang isa sa lahi ni David,
iingatan ko ang paghahari ng aking pinili.
18 Babalutin ko ng kahihiyan ang mga kalaban nya,
pero magiging maunlad at masagana ang paghahari nya.”