Psalms
Intro
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
Prayer ng Naghahanap ng Hustisya
1 O Lord, Diyos ko, ikaw ang takbuhan ko.
Iligtas mo ako, tulungan mo ako,
ang daming humahabol sa akin!
2 Para silang mga lion, lalapain ako tapos kakaladkarin,
sino pang tutulong sa akin?
3 O Lord, Diyos ko, kung guilty nga ako sa mga ito—
kung may ginawan ako ng masama,
4 kung tinraydor ko ang aking kaibigan,
o ninakawan ko ang kaaway ko kasi trip ko lang—
5 sige, ipahabol mo ako sa kaaway, ipahuli mo na ako!
Bugbugin na nila ako hanggang mamatay,
iwanan sa lupang nakahandusay.
6 Lord, magalit ka na!
Harapin mo ang mga kaaway kong nanggigigil sa galit.
Gumising ka, O Diyos!
Di ba hustisya ang gusto mong mangyari?
7 I-gather mo sayo ang lahat ng mga bansa,
at mula sa itaas, sa trono mo, maghari ka sa kanila.
8 Lord, ikaw ang humuhusga sa lahat ng tao.
Ipakita mo, Lord, na tama ako,
alam mo namang wala akong kasalanan.
9 O Diyos, ikaw ay matuwid,
alam mo ang nasa puso at isip namin.
Tapusin mo na ang gawain ng mga masasama,
at ang mabubuti, rewardan mo ng magandang buhay.
10 Ang Diyos ang nagpo-protect sa akin,
sine-save nya ang may pusong masunurin.
11 Ang Diyos ay judge na gumagawa ng tama,
araw-araw handang magparusa sa masama.
12 Kung hindi sila magsisisi at magbabagong buhay,
ihahanda ng Diyos ang kanyang espada,
itututok ang pana nya sa mga masasama.
13 Naka-ready na ang armas nya na papatay sa kanila,
nag-aapoy na ang pana nya, ready nang itira.
14 Tingnan mo kung paano mag-isip ang masasama,
naglilihi sila ng kalokohan, nanganganak ng kasinungalingan.
15 Humuhukay sila ng trap, yung malalim talaga,
pero sila rin ang nahuhulog dun.
16 Kalokohan nila sa iba, bumabalik sa kanila,
sa kanila bumabagsak ang sariling karahasan.
17 Salamat kay Lord, laging tama ang ginagawa nya!
Kakanta ako, pupurihin ko si LORD na Pinakamataas sa lahat.