Psalms
Chapter 107
Mag-thank You kay Lord
1 “Mag-thank you kay Lord, kasi mabuti sya,
forever sya kung magmahal!”
2 Sabihin nyo ito, kayong mga niligtas ni Lord,
kayo na sinave nya sa kamay ng mga kaaway,
3 kayong mga ginather nya mula sa ibat-ibang lupain,
galing sa east at sa west, sa north at sa south.
4 May ilan sa inyo ang nagpagala-gala sa desert,
wala silang makitang city kung saan pwedeng tumira.
5 Nagutom sila at nauhaw,
halos mawalan sila ng pag-asa.
6 Sa gitna ng pagdurusa, tumawag sila kay Lord,
sinave nya sila sa grabeng paghihirap.
7 Ni-lead nya sila sa daan
diretso sa isang city na pwedeng matirhan.
8 Dapat silang magpasalamat kay Lord, wagas ang pag-ibig nya,
at magaganda ang ginawa nya para sa kanila!
9 Ang nauuhaw, pinapainom nya,
ang nagugutom, binubusog nya ng mabubuting bagay.
10 May mga nabuhay sa lungkot at dilim,
nakakulong sila, nagdudusa at nakakadena,
11 nilabanan kasi nila ang mga salita ng Diyos,
hindi nila sinunod ang sinabi ng Pinakamataas.
12 Nanghina ang loob nila sa bigat ng trabaho,
pag natutumba sila, walang tumutulong.
13 Sa hirap ng sitwasyon, tumawag sila kay Lord,
niligtas nya sila sa matinding hirap.
14 Inalis nya sila sa lungkot at dilim,
sinira nya ang kadenang nakagapos sa kanila.
15 Dapat silang mag-thank you kay Lord, wagas ang pag-ibig nya,
at magaganda ang ginawa nya para sa kanila!
16 Winawasak nya yung mga bronze na gate,
pinuputol nya ang mga rehas na bakal.
17 May mga di nag-iisip, nabuhay sa kasalanan,
at dahil sa kasamaan nila kaya sila nagdusa.
18 Kahit anong pagkain, ayaw na nilang kainin,
malapit na silang mamatay.
19 Sa bigat ng pinagdadaanan, tumawag sila kay Lord,
at niligtas nya sila sa grabeng paghihirap.
20 Sa salita lang nya, gumaling na sila,
niligtas sila, di hinayaang mamatay.
21 Dapat silang mag-thank you kay Lord, wagas ang pag-ibig nya,
at magaganda ang ginawa nya para sa kanila!
22 Dapat silang magpasalamat at mag-offer ng sacrifice,
at masayang kantahin ang mga ginawa nya!
23 May mga sumakay sa barko,
naglakbay sila sa dagat para maghanap-buhay.
24 Nakita nila ang mga kayang gawin ni Lord,
mga nakakabilib na himala nya sa karagatan.
25 Nung inutos nya, humangin nang malakas,
lumaki ang mga alon sa dagat.
26 Tumilapon yung mga barko, tapos bumagsak at lumubog,
naduwag ang mga crew sa sobrang sama ng mga nangyari.
27 Di sila makalakad nang diretso, parang mga lasing,
nawala na lahat ng galing nila sa dagat.
28 Sa tindi ng sitwasyon, tumawag sila kay Lord,
inalis nya sila sa grabeng paghihirap.
29 Pinahinto nya ang bagyo,
at humupa na yung mga alon.
30 Natuwa ang lahat kasi tahimik na ang paligid,
safe silang dinala sa pupuntahan nilang pier.
31 Dapat silang mag-thank you kay Lord, wagas ang pag-ibig nya,
at magaganda ang ginawa nya para sa kanila!
32 Dapat ibida ang galing nya pag nag-gather ang bayan,
pag nagsama-sama ang mga leaders, dapat purihin sya.
33 Ginawa nyang disyerto ang mga ilog,
tinuyo nya ang mga bukal,
34* ginawa nyang useless ang matabang lupa,
masasamang tao kasi ang mga nakatira dun.
35 Yung mga disyerto, ginawa nyang lawa,
pinaagos nya ang bukal sa tuyong lupa.
36 Tapos pinatira nya dun ang mga nagugutom,
nagtayo sila ng city at nag-stay na dun.
37 Hinasikan nila ang mga bukid, nagtanim sila ng mga grapes,
at nakakuha sila ng magandang harvest.
38 Dahil sa blessing nya, dumami pa sila,
at di nya hinayaang mabawasan ang mga tupa at baka nila.
39 Nung natalo at napahiya ang bayan ng Diyos
dahil sa sobrang pang-aapi at pagpapahirap,
40 nagalit ang Diyos sa mga nagpahirap sa kanila,
at pinagala nya ang mga ito sa desert, di nila alam kung saan sila pupunta.
41 Pero inahon nya sa hirap ang mga kawawa,
pinadami nya ang mga pamilya nila, gaya ng mga tupa.
42 Nakikita ito ng mga taong mabuti at natutuwa sila,
pero yung masasama, nanahimik na lang.
43 Kayong mga matalino, pag-isipan nyo lahat ng ito,
isipin nyong mabuti ang wagas na pag-ibig ni Lord.

Footnotes


107:34 + useless: Sa Hebrew, maalat na lupa.