Psalms
Chapter 114
Nung Lumabas ang Israel mula sa Egypt
1 Nung lumabas ang Israel mula sa Egypt,
nung iwan ng mga anak ni Jacob ang bayang iba ang salita,
2 Judah ang naging banal na lugar para kay Lord,
pinagharian nya ang Israel.
3 Nakita yun ng Red Sea kaya sya tumakas,
pati ang Jordan River, napaatras.
4 Napatalon ang mga bundok na parang mga kambing,
pati mga hills, parang batang tupang nagtalunan din.
5 O Red Sea, anong nangyari, bakit ka tumakas?
Jordan River, bakit ang agos mo ay umatras?
6 Kayong mga bundok, bakit kayo napatalon na parang mga kambing?
Kayong mga hills, bakit para kayong batang tupang nagtalunan din?
7 O mundo, manginig ka sa takot, nandito na ang Panginoon,
nandito na ang Diyos ni Jacob,
8 ginawa nyang source ng tubig ang malaking bato,
pinadaloy nya ang batis mula sa solid na bato.