Psalms
Chapter 16
Kay Lord, Kampante Ako
1 Ingatan mo ako, O Diyos,
kasi sayo ako pumupunta para maging safe.
2 Sinabi ko kay Lord, “Ikaw ang Panginoon ko,
lahat ng magandang meron ako,
lahat yun galing sayo.”
3 Ang gagaling talaga ng mga tagasunod ni LORD!
Ang saya-saya ko pag kasama ko sila.
4 Yung mga lumalapit sa ibang diyos,
dagdag pasakit lang ang mapapala.
Hindi ako sasali sa pag-aalay nila ng sacrifice,
hindi rin ako sasamba sa mga diyos nila.
5 Ikaw, Lord, ang lahat sa buhay ko,
binibigay mo lahat ng kailangan ko,
hawak mo ang future ko.
6 Lahat ng bigay mo sa akin, lahat yun maganda.
Ang ganda talaga ng tinanggap kong mana!
7 Pinupuri ko si Lord, kasi gina-guide nya ako,
at sa gabi, nangungusap sya sa puso ko.
8 Alam kong lagi kong kasama si Lord,
nandito lang sya kaya di ako matitinag.
9 Kaya nga ang saya ko, masaya talaga!
Kampante ako, alam kong safe ako,
10 kasi di mo hahayaang mapunta ako sa mundo ng mga patay,
tapat akong nag-serve sayo, di mo ako hahayaang malibing sa hukay.
11 Pinapakita mo sa akin ang daan papunta sa buhay,
pag malapit ka, sobrang saya ko,
kasama kita kaya forever akong masaya.