Psalms
Chapter 145
Ang Galing Talaga ni Lord
1 Idi-declare ko na magaling ka, aking Diyos at hari,
magte-thank you ako sayo forever and ever.
2 Araw-araw akong magte-thank you sayo,
pupurihin kita forever and ever.
3 Dakila si Lord, dapat talaga syang purihin,
walang makakaintindi kung gaano sya kagaling.
4 Ang mga ginawa mo, ibibida sa isang generation at sa mga susunod pa,
ang mga ginawa mong nakakabilib, idi-declare nila.
5 Iisip-isipin ko ang pambihirang galing mo at kagandahan,
at ang mga ginawa mong kahanga-hanga.
6 Idi-declare ng mga tao na grabe, ang galing ng mga gawa mo,
dakila ka, ipagyayabang ko yun.
7 Pag-uusapan nila ang umaapaw mong kabutihan,
at malakas nilang kakantahin na matuwid ka talaga.
8 Mapagmahal si Lord at maawain,
di mabilis magalit, punung-puno ng pag-ibig.
9 Mabuti si Lord sa lahat ng tao,
maawain sa lahat ng crineate nya.
10 Lord, magpupuri sayo lahat ng nilikha mo,
at magte-thank you lahat ng sumusunod sayo.
11 Sasabihin nila kung gaano kaganda ang paghahari mo,
at ikukwento kung gaano ka ka-powerful,
12 para malaman ng lahat ang dakila mong mga gawa,
ang ganda at karangalan ng paghahari mo.
13 Walang katapusan ang pagiging hari mo,
ikaw ang hari sa lahat ng generation.
Tapat si Lord sa mga sinabi nya,
kita sa mga gawa nya na maawain sya.
14 Tinutulungan nya lahat ng nahihirapan,
tinatayo nya lahat ng bumabagsak.
15 Sayo umaasa ang lahat,
binibigyan mo ng pagkain sa panahong kailangan nila.
16 Bukas ang palad mo sa kanila,
binibigay mo ang gusto ng lahat ng may buhay.
17 Matuwid ang lahat ng ginagawa ni Lord,
mabait sya sa lahat ng bagay.
18 Malapit si Lord sa mga tumatawag sa kanya,
yung tumatawag sa kanya nang taos-puso.
19 Binibigay nya ang gusto ng mga may takot sa kanya,
pinapakinggan ang hinaing nila at sine-save sila.
20 Lahat ng nagmamahal kay Lord, iniingatan nya,
pero wawasakin nya ang lahat ng masasama.
21 Lagi kong pupurihin si Lord,
lahat ng nilikha nya, forever na magpuri sa banal nyang pangalan.