Psalms
Chapter 58
O Diyos, Parusahan Mo ang Masasama
1 Kayong mga leaders, marunong ba talaga kayong mag-decide nang tama?
Patas ba kayong mag-judge sa mga tao?
2 Hindi! Kasi masasamang plano ang laman ng puso nyo,
ang inaatupag nyo, manggulo sa mundo.
3 Nasa tiyan pa lang, mali na ang ginagawa ng masasama,
nung pinanganak sila, nagsisinungaling na.
4 Makamandag sila, parang mga ahas,
ayaw nilang makinig, gaya ng cobrang bingi
5 na di naririnig ang nagpapaamo sa kanya,
kahit magaling na magician, di nya pinapakinggan.
6 O Diyos, basagin mo ang mga ngipin nila.
O Lord, tanggalin mo ang pangil nitong mga lion.
7 Maubos sana sila, parang tubig na natatapon,
madurog sana sila, parang damong tinapak-tapakan.
8 Gaya ng susô, hayaan mo silang malusaw,
parang baby na di nabuhay at di na nasikatan ng araw.
9* Di nila mamamalayan, para silang damo na puputulin,
kahit buháy pa, itatapon sila ng Diyos sa tindi ng kanyang galit.
10 Magsasaya ang matutuwid pag naiganti na sila,
lulusong sila sa dugo ng masasama.
11 Sasabihin ng mga tao, “Totoo nga!
May reward para sa mabuting tao,
may Diyos talaga, sya ang judge ng mundo.”

Footnotes


58:9 + Hindi malinaw kung anong ibig sabihin nito sa Hebrew.