Psalms
Chapter 99
Ang Diyos ay Banal
1* Si LORD ang naghahari,
manginig ang mga tao!
Nasa ibabaw ng mga cherubim ang trono nya,
mayanig ang mundo!
2 Si Lord ang makapangyarihan sa Zion,
sya ang naghahari sa lahat ng mga bansa.
3 Purihin ang dakila at nakakabilib nyang pangalan!
Sya ay banal!
4 Makapangyarihang hari, mahal mo kung ano ang tama,
tinatag mo ang pagiging pantay-pantay ng mga tao sa Israel.
Pinapatupad mo ang hustisya at katuwiran.
5 Purihin si Lord na ating Diyos,
sa paanan nya, mag-worship tayo!
Sya ay banal!
6 Sina Moses at Aaron ay mga priest nya,
si Samuel, isa sa mga nag-pray sa kanya.
Tumawag sila kay Lord, at sinagot nya sila.
7 Kinausap nya sila mula sa ulap na haligi,
sinunod nila ang mga utos nya at bilin.
8 O, Lord, aming Diyos, sinagot mo sila,
mapagpatawad kang Diyos sa kanila,
pero yung mga nagawa nilang mali, pinaparusahan mo.
9 Purihin si Lord na ating Diyos,
mag-worship tayo sa banal nyang bundok,
si Lord na Diyos natin ay banal!

Footnotes


99:1 + CHERUBIM: Creature sa langit na may pakpak.