Psalms
Chapter 113
Talagang Mabait si Lord
1 Praise the Lord!
Kayong mga servants ni Lord,
purihin nyo ang pangalan nya!
2 Purihin ang pangalan ni Lord,
ngayon at sa habang panahon.
3 Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog,
purihin ang pangalan ni Lord!
4 Si Lord ang pinakamataas sa lahat ng mga bansa,
lampas pa sa langit ang liwanag ng glory nya.
5 Sinong kagaya ni Lord na ating Diyos?
Dun sya nakatira sa kaitaasan,
6 mula dun, yumuyuko sya,
tinitingnan nya ang langit at ang lupa.
7 Mula sa pagdurusa, binabangon nya ang mahihirap,
mula sa paghihirap, inaahon nya ang mga walang-wala,
8 nilalagay nya sila sa pwesto kasama ng mga leaders,
kasama ng mga pinuno ng kanyang bayan.
9 Binibigyan nya ng tahanan ang babaeng hindi magkaanak,
bine-bless nya ng mga anak na nagpapasaya sa isang ina.
Praise the Lord!