Psalms
Chapter 6
Prayer pag may Problema
1 Lord, sa galit mong yan, wag mo akong pagalitan!
Sa tindi ng galit mo, wag mo akong parusahan!
2 Maawa ka sa akin, Lord, hinang-hina na ako!
Bigyan mo ako ng lakas, Lord, nanginginig na ang mga buto ko.
3 Gulung-gulo na talaga ako.
Ano na, Lord, hanggang kelan ganito?
4 Please, Lord, iligtas mo ang buhay ko.
Alam kong wagas ang pagmamahal mo,
wag mo akong hayaang mamatay.
5 Kapag namatay ang tao, hindi ka na maaalala.
Sinong pupuri sayo sa mundo ng mga patay?
6 Sobrang lungkot ko, wala na akong lakas,
yung unan ko, gabi-gabing basa ng luha,
baha na ang higaan ko, iyak ako nang iyak.
7 Maga na ang mga mata ko, halos di na makakita,
grabe kasi yung lungkot ko dahil sa mga kaaway ko.
8 Layuan nyo ako, kayong masasama!
Narinig ni Lord na umiiyak ako,
9 narinig nyang humihingi ako ng tulong,
sasagutin ni Lord ang prayer kong ito.
10 Matatakot ang mga kaaway ko at mapapahiya,
malilito sila at aatras bigla.