Psalms
Intro
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150
Tulungan Mo ang Bayan Namin
1* Pakinggan mo kami, Shepherd ng Israel,
ikaw na nagpapastol sa angkan ni Joseph.
Mula sa trono mo, sa ibabaw ng mga cherubim, ipakita mo ang iyong galing
2 sa mga tribe ni Ephraim, Benjamin, at Manasseh.
Ipakita mo kung gaano ka kalakas,
pumunta ka dito, kami ay iligtas!
3 O Diyos, ibalik mo ang dating lakas namin.
Matuwa ka sa amin, at i-save mo kami!
4 O Lord, Makapangyarihang Diyos,
hanggang kelan ka magagalit sa prayers ng bayan mo?
5 Tinapay ng paghihirap ang pinakain mo sa amin,
isang basong luha ang binigay mong inumin.
6 Dahil sayo, ang lupa namin, pinag-aawayan ng mga bansa sa paligid,
tuwang-tuwa ang mga kaaway namin na insultuhin kami.
7 O Makapangyarihang Diyos, ibalik mo ang dating lakas namin.
Matuwa ka sa amin, at i-save mo kami!
8 Mula sa Egypt, dinala mo ang isang puno ng ubas,
pinalayas mo ang ibang bayan para itanim ang punong yun.
9 Nilinis mo yung lupang pagtataniman,
nilagay dun ang halaman,
nag-ugat ito nang malalim at sinakop ang buong lupain.
10 Natakpan ng anino nito ang mga bundok,
pati malalaking puno ng cedar, natakpan ng mga sanga nito.
11 Umabot ang mga sanga sa Mediterranean Sea,
at yung mga ugat hanggang sa Euphrates River.
12 Pero bakit mo sinira ang bakod ng puno?
Ninanakaw tuloy ng mga dumadaan ang mga prutas nito,
13 tinapak-tapakan pa ito ng baboy-damo,
pinagpyestahan ng lahat ng hayop.
14 Tumingin ka ulit sa amin, O Makapangyarihang Diyos!
Tingnan mo kami mula sa langit,
maging concerned ka sa iyong bayan!
15 I-save mo ang bayang ikaw mismo ang nagtanim,
ang punong ikaw ang nagpalaki at nagpalakas.
16 Sinunog at pinutol yun ng mga kalaban,
sila ang harapin mo at parusahan!
17 Bantayan mo at ingatan ang pinili mong bayan,
ang bansang iyong pinalakas.
18 Tapos, never na kaming magtataksil sayo,
pahabain mo ang aming buhay, at pupurihin ka namin!
19 O Lord, Diyos na Makapangyarihan, ibalik mo ang dating lakas namin!
Matuwa ka sa amin, at i-save mo kami!
Footnotes
80:1
+ CHERUBIM: Tingnan sa Psalm 18:10.