Psalms
Chapter 50
Ang Sacrifice na Gusto ng Diyos
1 Si Lord, ang Dakilang Diyos, ay nagsasalita,
tinatawag nya ang lahat mula sa east hanggang sa west.
2 Mula sa Zion, ang city na perfect sa kagandahan,
mula doon ang Diyos ay nagniningning, nagliliwanag.
3 Heto na, dumarating ang Diyos natin,
hindi basta-basta ang kanyang pagdating.
Nagliliyab na apoy, nasa harap nya,
malakas na bagyo, nasa paligid nya.
4 Tinatawag nya ang langit at ang lupa,
para maging witness pag hinatulan nya ang kanyang bayan.
5 Sabi nya, “Iharap nyo sa akin ang faithful kong bayan,
sila yung nag-offer ng sacrifice nung gumawa kami ng kasunduan.”
6 Dini-declare ng langit na ang Diyos ay ang judge,
at matuwid sya kung humatol.
7 “Makinig kayo, bayan ko, may sasabihin ako.
Israel, magsasalita ako laban sa inyo.
Ako ang Diyos, ang inyong Diyos.
8 Hindi yung ino-offer nyong mga sacrifice ang kinagagalit ko,
hindi rin yung mga dala nyong offering na sinusunog.
9 Ang baka na galing sa inyo, di ko kailangan,
kahit mga kambing na inyong inaalagaan,
10 kasi akin ang lahat ng hayop sa gubat
at ang mga baka sa napakaraming bundok.
11 Akin din ang lahat ng ibong lumilipad,
at lahat nang may buhay sa bukid.
12 “Kung gutom man ako, di ko sasabihin sa inyo,
kasi akin ang mundo at lahat ng nandito.
13 Kinakain ko ba ang karne ng mga baka?
Ang dugo ng mga kambing, iniinom ko ba?
14 Ang pasasalamat nyo, yan ang i-offer nyong sacrifice sa Diyos,
at gawin nyo ang mga pinromise nyo sa Diyos na Pinakamataas.
15 Pag meron kayong problema, tumawag kayo sa akin,
ise-save ko kayo at ako'y inyong pupurihin.”
16 Pero ang sabi ng Diyos sa masasama,
“Anong karapatan nyo na i-recite ang mga utos ko?
Panay pa ang banggit nyo sa kasunduang binigay ko!
17 Ayaw nyo na kino-correct ko kayo,
at ang mga utos ko binabalewala nyo.
18 Pag may nakita kayong magnanakaw, kinakaibigan nyo,
tapos binabarkada nyo pa yung mga nangangaliwa.
19 “Puro masama ang lumalabas sa bibig nyo,
yang dila nyo, napakagaling manloko.
20 Mga kamag-anak nyo, hinahanapan nyo ng mali,
sinisiraan nyo, sarili nyong kapatid.
21 Nung ginawa nyo ang mga ito, nanahimik lang ako,
feeling nyo tuloy kagaya nyo na ako.
Pero ngayon pagsasabihan ko kayo,
didiretsuhin ko na kayo.
22 “Kayong mga bumabalewala sa Diyos, tandaan nyo ito,
kung hindi, dudurugin ko kayo at walang magse-save sa inyo!
23 Ang sacrifice na nagbibigay ng honor sa akin ay ang pusong nagte-thank you.
Ililigtas ko yung mga namumuhay nang matuwid.”